Pamantasang Rutgers

Ang Pamantasang Rutgers (/ˈrʌtɡərz/) (Ingles: Rutgers, The State University of New Jersey o Rutgers University), na karaniwang tinutukoy sa bilang Rutgers, o RU, ay isang Amerikanong pamantasan sa pananaliksik at ang pinakamalaking institusyon para sa mas mataas na edukasyon sa buong estado ng Nuweba Jersey.

Guhit ng matandang Queen's College noong ika-19 siglo (1809), ang pinakalumang gusali sa kampus ng Unibersidad sa New Brunswick, Nuweba Jersey.
Lugar sa kanlurang dulo ng Voorhees Mall, isang tansong istatwa ni William the Silent na kumikilala sa mga pamana ng mga Olandes sa unibersidad.[1]

Orihinal na binigyan ng tsarter bilang Queen's College noong 1766, Rutgers ay ang ikawalo sa pinakamatandang kolehiyo sa Estados Unidos at isa sa mga siyam na "Kolehiyong Kolonyal" na itinatag bago ang Rebolusyong Amerikano.[2][3] Ang kolehiyo ay pinalitan ng pangalan bilang Rutgers College noong 1825[4] bilang pagbibigay-pugay kay Koronel Henry Rutgers (1745-1830), isang pilantropo at dating opisyal ng militar, [5]

Ang Rutgers ay may tatlong kampus na matatagpuan sa buong estado ng Nuweba Jersey: Ang New Brunswick campus sa New Brunswick at katabing Piscataway campus, Newark campus at Camden campus. Ang unibersidad ay may mga karagdagang mga pasilidad sa ibang lugar sa buong estado.[6]

Ang university ay akreditado ng Middle States Association of Colleges and Schools[7] at ito ay kasapi ng Big Ten Academic Alliance,[8] Association of American Universities[9] at Universities Research Association.[10]

Mga sanggunian

baguhin

Mga tala

baguhin
  1. Staff.
  2. Stoeckel, Althea.
  3. Chapter XXIII.
  4. Institutional Research and Planning, Factbook, Almanac of Historical Facts, Accessed September 7, 2013
  5. Dane, Perry; Stein, Allan; Williams, Robert (2014).
  6. Rutgers, The State University of New Jersey.
  7. Middle States Commission on Higher Education.
  8. Committee on Institutional Cooperation / The Big Ten Conference.
  9. Association of American Universities.
  10. Universities Research Association, Inc.

40°30′06″N 74°26′53″W / 40.5017°N 74.4481°W / 40.5017; -74.4481