Lucrecia Reyes-Urtula

Si Lucrecia Reyes-Urtula (Hunyo 29, 1929 – Agosto 4, 1999) ay isang koreograper, tagapagturo ng sayaw, direktor sa tetro at telebisyon, at mananaliksik na idineklarang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng sayaw noong 1988.[1][2][3]

Lucrecia Faustino Reyes-Urtula
Si Lucrecia Reyes-Urtula, litrato mula sa NCCA
Kapanganakan
Lucrecia Faustino Reyes

Hunyo 29, 1929
KamatayanAgosto 4, 1999
NasyonalidadPilipino
ParangalPambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas
LaranganSayaw
Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Sayaw
1988

Unang yugto ng buhay

baguhin

Ipinanganak si Lucrecia Faustino Reyes noong Hunyo 29, 1929. Ang kanyang mga magulang ay sina Brigadier General Leon S. Reyes at Antonia Faustino.[3] Ikinasal si Lucrecia Reyes kay Dalmacio Urtula na isang negosyante.[3]

Edukasyon

baguhin

Nagtapos si Lucrecia Reyes-Urtula sa Philippine Women's University ng kursong Edukasyon.[3]

Propesyon

baguhin

Nagturo si Lucrecia Reyes-Urtula sa Philippine Women's University kung saan nagsimula ang mahigit tatlumpung taon na karera niya sa larangan ng katutubong sayaw.[3]

Naging Direktor din siya ng Bayanihan Philippine Dance Company.[4]

Mga nagawa

baguhin

Itinatag ni Lucrecia Reyes-Urtula ang The Bayanihan Dance Company of the Philippines noong 1957.[3] Dito ay gumawa siya ng mga koreograpo sa mahigit na tatlumpong taon ng mga sayaw tulad ng mga sayaw sa bulubundukin, mga sayaw na may impluwensiya ng mga Kastila, mga sayaw na tungkol sa mga pagdiriwang ng mga Muslim, at mga sayaw sa kabukiran.[1] Umani ng mga parangal ang kanyang mga obra nang ito ay itinanghal sa Amerika, Europa, Asya, Australya at Aprika.[1]

Ilan sa mga sayaw na itinanghal ni Lucrecia Reyes-Urtula ay ang "Singkil" na tungkol sa isang tulang epiko ng mga Maranaw; ang "Vinta" na nagbibigay ng parangal sa kagalingan ng mga Pilipinong maglayag; ang "Tagabili" na tungkol sa tunggalian sa tribu; ang "Pagdiwata" na isinasalarawan ang apat na araw na pista ng pag-aani; at ang "Salidsid" na sayaw ng kasal sa bulubundukin.[1] Binuo din niya ang mga sayaw na pinamagatang "Indarapatra", "Tadok", "Salidsid", "Diwdiwan", "Ug-gayam", at "Sound of Wings" na tungkol sa mga kwentong-ibon sa Pilipinas.[3]

Naging inspirasyon ang mga obra ni Lucrecia Reyes-Urtula sa pagtatag ni Amelia Hernandez ng Ballet Folklorico de Mexico at ni Alvin Ailey ng American Dance Theater.[3]

Isinulat nina Lucrecia Reyes-Urtula at Prosperidad Arandez ang "Sayaw An Essay on the Spanish Influence on Philippine Dance" na inilathala noong 1992.[5]

Mga parangal na natanggap

baguhin

Noong 1988 ay ipinroklama si Lucrecia Reyes-Urtula bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas sa larangan ng sayaw ni Pangulong Corazon Aquino sa bisa ng Proklamasyon Bilang 265 na pinirmahan ng pangulo noong Hunyo 6, 1988.[2]

Kamatayan

baguhin

Pumanaw si Lucrecia Reyes-Urtula noong Agosto 4, 1999 sa edad na 70.[3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Order of National Artists: Lucrecia Reyes-Urtula". National Commission for Culture and the Arts. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2022. Nakuha noong 29 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Proclamation No. 265 Declaring Ms. Lucrecia Reyes Urtula And Col. Antonio Buenaventura As National Artists". Official Gazette. Republic of the Philippines. Hunyo 6, 1988. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2018. Nakuha noong 29 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 3.8 "Lucresia Faustino Reyes-Urtula". Sagisag Kultura. National Commission for Culture and the Arts. Nakuha noong 29 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Women Leaders: the Philippine National Artists". Philippine art and the Filipino artist... in focus. Philippine Arts Council. Nakuha noong 29 Nobyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Reyes-Urtula, Lucrecia; Arandez, Prosperidad (1992). Sayaw An Essay on the Spanish Influence on Philippine Dance. Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)