Si Viktor Emil Frankl M.D., Ph.D. (Marso 26, 1905, Leopoldstadt, Vienna[1][kailangan ang buong pagbanggit ng pinagsanggunian] – Septyembre 2, 1997, Vienna) ay isang Austriyanong neurologo at sikayatris (sikyatra) pati na ang pagiging isang nakaligtas mula sa Holokausto. Si Frankl ang tagapagtatag ng logoterapiya, na isang uri ng Analisis na Eksistensiyal, ang "Pangatlong Paaralan ng Sikoterapiya sa Venecia". Ang kanyang aklat na mahusay ang pagkamabenta na pinamagatang Man's Search for Meaning (na may diwang "Ang Paghahanap ng Tao ng Kahulugan") sa pagsasalinwika; nalathala sa ilalim ng ibang pamagat noong 1959: From Death-Camp to Existentialism (mula sa Kampo ng Kamatayan hanggang sa Eksistensiyalismo), at orihinal na nalathala noong 1946 bilang trotzdem Ja zum Leben sagen: Ein Psychologe erlebt das Konzentrationslager), ay nagsasalaysay at nag-uulat ng kanyang mga karanasan bilang isang bilanggo sa kampo ng konsentrasyon (kampong bilangguan) batay sa kanyang metodong sikoterapyutiko ng paghahanap ng kahulugan o kabuluhan sa lahat ng uri ng pag-iral, kahit ang mga pinaka nakaririmarim, kung kaya't may dahilan upang magpatuloy na mabuhay at mamuhay. Isa si Frankl sa mga susi o mahahalang mga pigura o may ginampanan sa terapiyang ekistensiyal (terapiyang pampag-iral) at isang kilalang napagkukunan ng inspirasyon para ng mga sikologong humanistiko (sikolohistang makapantao)

Viktor Emil Frankl
Kapanganakan26 Marso 1905(1905-03-26)
Kamatayan2 Setyembre 1997(1997-09-02) (edad 92)
Dahilanpagpalya ng puso
NasyonalidadAustriyano
Kilala saLogoterapiya, Eksistensiyal na analisis

TaoSikolohiyaAustria Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Sikolohiya at Awstriya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Prof. Dr. Klaus Lohrmann "Jüdisches Wien. Kultur-Karte" (2003), Mosse-Berlin Mitte gGmbH (Verlag Jüdische Presse)