Pumunta sa nilalaman

Emilio Aguinaldo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Emilio Aguinaldo
Litrato ni Aguinaldo, circa 1919.

Ika-1 Pangulo ng Pilipinas
Nasa puwesto
23 Enero 1899 – 23 Marso 1901
Punong Ministro
Sinundan ni
President of the Revolutionary Government of the Philippines
Nasa puwesto
June 23, 1898 – January 22, 1899
Punong Ministro
Nakaraang sinundanPosition established
Sinundan niPosition abolished
(Revolutionary government superseded by the First Philippine Republic)
Commanding General of the Philippine Revolutionary Army
Nasa puwesto
June 5, 1899 – March 23, 1901
PanguloHimself
Nakaraang sinundanAntonio Luna
Dictator of the Philippines
Nasa puwesto
May 24, 1898 – June 23, 1898
Nakaraang sinundanPosition established
Sinundan niPosition abolished
(Dictatorial government replaced by a revolutionary government with Aguinaldo assuming the title president)
President of the Republic of Biak-na-Bato
Nasa puwesto
November 2, 1897 – December 14, 1897
Pangalwang PanguloMariano Trías
Nakaraang sinundanPosition established
Sinundan niPosition abolished
President of the Tejeros Revolutionary Government
Nasa puwesto
March 22, 1897 – November 1, 1897
Pangalwang PanguloMariano Trías
Nakaraang sinundanPosition established
Sinundan niPosition abolished
(Tejeros government superseded by the Republic of Biak-na-Bato)
Personal na detalye
Isinilang
Emilio Aguinaldo y Famy

22 Marso 1869(1869-03-22)[b]
Cavite el Viejo, Cavite, Kapitaniya Heneral ng Pilipinas, Imperyong Kastila
Yumao6 Pebrero 1964(1964-02-06) (edad 94)
Lungsod Quezon, Pilipinas
HimlayanDambanang Aguinaldo, Cavite, Pilipinas
Partidong pampolitikaNational Socialist (1935–1936)[infobox 1]
Independent (until 1935)
AsawaHilaria del Rosario (k. 1896; died 1921)
María Agoncillo (k. 1930; died 1963)
Anak5 (see below)
Alma materColegio de San Juan de Letran
Mga parangalPhilippine Legion of Honor
Quezon Service Cross
Presidential Medal of Merit
Order of the Knights of Rizal
Pirma
Serbisyo sa militar
Palayaw"Kapitan Miong"
"Heneral Miong"
"Ka Miong"
"El Caudillo"
"Magdalo"
"Hermano Colon"
Katapatan First Philippine Republic
Republic of Biak-na-Bato
Katipunan (Magdalo)
Sangay/Serbisyo Philippine Revolutionary Army
Taon sa lingkod1896–1901
Ranggo Generalissimo Minister Marshal
Labanan/Digmaan
Footnotes:
  1. Aguinaldo ran for president in 1935 under the ticket of the National Socialist Party,[kailangan ng sanggunian] but in opening his campaign he disavowed association with any political party.[kailangan ng sanggunian]

Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869Pebrero 6, 1964) ay Pilipinong heneral, estadista, at manghihimagsik na kinikilala bilang unang pangulo ng Pilipinas, kung saan siya namahala mula 1899 hanggang 1901. Pinangunahan niya ang mga puwersang Pilipino laban sa Espanya noong Himagsikang Pilipino at Digmaang Espanyol–Amerikano, at sa Estados Unidos noong Digmaang Pilipino–Amerikano.

Siya ay isa sa mga pinakakilalang pinuno ng pakikibaka laban sa mga Kastila, at nang lumáon laban sa mga Amerikano, tungo sa kasarinlan ng Pilipinas. Namuno siya sa isang pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila noong taóng 1896. Namuno rin siya sa ikalawang pagdigma laban sa sandatahang Kastila noong taóng 1898 habang kakampi ang mga Amerikano, Bilang pinuno ng himagsikan, isinakatuparan niya ang pagpapahayag ng kalayaan ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898. Siya ang itinanghal na unang pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 23 Enero 1899. Nang malaman ang pagnanais ng Estados Unidos na sakupin ang Pilipinas upang matupad ang kasunduan sa Paris (1898) sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya ay muling namuno si Aguinaldo sa pagtatanggol sa kasarinlan mula taóng 1899 hanggang 1901. Noong 23 Marso 1901 ay nabuwag ang kanyang kapamahalaan nang siya ay madakip ng mga kalabang Amerikano. Matapos nito ay pumayag siyang manumpa ng katapatan sa Estados Unidos nguni't nagpahiwatig ng kahapisan na sinagisag ng pagsusuot niya ng itim na corbata de lazo hanggang sa tuluyang lumaya ang Pilipinas na naganap noong taóng 1946. Noong taóng 1935, sa paghahanda ng isang pamahalaang commonwealth ("may bahagyang kasarinlan") sa ilalim ng Estados Unidos, tumakbo siya sa pagkapangulo subali't hindi nanaig kay Manuel Quezon. Matapos ang muling paglaya ng Pilipinas noong taóng 1946, binigyan siya ng katungkulan sa Philippine Council of State[1] ("sanggunian ng pamahalaan") na isang sangay ng pamahalaan na itinatag noong panahon ng Amerikano. Siya ang pinakabatang naging pangulo ng Pilipinas.

Siya ay pinanganak sa Cavite el Viejo, Cavite noong 22 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo y Jamir at Trinidad Famy y Villanueva (1820-1916). Ang kanyang ama ay isang gobernadorcillo na may lahing halong Tagalog at Intsik at nakapagmana ng yaman. Noong kanyang kabataan ay naturuan siya ng isa niyang lola. Nang lumaon ay pinag-aral siya ng elementarya sa paaralang elementarya ng Cavite el Viejo noong taóng 1880. Sumunod ay nag-aral siya ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran nguni't tumigil sa ikatlong taon upang tumulong sa kaniyang nabiyudang ina na pangasiwaan ang kanilang bukid.

Nang siya ay 28 taon, siya ay naging cabeza sa balangáy Binakayan. Nanungkulan siya rito nang 8 taon.

Nang ihayag ang Kautusang Pangkaharian sa 19 Mayo 1893 na nagbabago sa mga pamamaraan ng mga pangkabayanang pamamahala ay kasama rito ang pagpalit sa katawagang gobernadorcillo ("munting tagapamahala") upang gawing capitan municipal ("punong-bayan" o "pangulo ng bayan"). Kaya nang tunay na maipatupad ang kautusan noong taóng 1895, si Aguinaldo ang pinakaunang taga-Cavite el Viejo na tinawag na capitan municipal.

Himagsikang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang lihim na samahang pinamunuan ni Andres Bonifacio, na naglayong itaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang kasarinlan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang nom de guerre ("ngalang pandigmaan") na Magdalo, patungkol kay Maria Magdalena. Ang kaniyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niyang si Baldomero Aguinaldo ay tinawag ring Magdalo.

Nagsimula ang himagsikan sa bayan ng San Juan del Monte (kasalukuyang lungsod ng San Juan, Kalakhang Maynila). Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng pananandata, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian.

Noong 17 Pebrero 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsiya ng Cavite ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya.

Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kaniya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensiyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong 22 Marso 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kaniyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang null at di-wasto ang kumbensiyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa Morong, Rizal

Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kaniyang awtoridad, pinagbintangan ang paksiyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kaniyang mga kapatid at sa isang mock trial, nahatulan ng pagtataksil at nasintensiyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng firing squad noong 10 Mayo 1897 sa Bundok Buntis na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.

Habang tumitindi ang tensiyon, napilitan sina Aguinaldo na lumikas papunta sa mga bundok. Dito pinirmahan niya ang Kasunduan ng Biak-na-bato. Isusuko ni Aguinaldo ang kaniyang gobyerno at itigil ang digmaan kapalit ng $800,000 (Mehikanong salapi) bilang kapalit. Pinirmahan ito noong Disyembre 14 at 15, 1897. Noong Disyembre 23, umalis sila sa Pilipinas papuntang Hong Kong para lumikas. Ang dala nilang $400,000 (unang installment) ay dineposito sa mga bangko sa Hong Kong. Dito, inayos ni Aguinaldo ang gobyerno at tinawag niyang Kataas-taasang Konseho ng Bayan.

Isang rebolusyonaryong heneral, si Francisco Makabulos, ay nagtatag ng Komiteng Ehekutibong Sentral na siyang naging pamahalaan habang wala sina Aguinaldo. Kahit pumirma si Aguinaldo, tuloy pa rin ang paghuli ng mga Kastila sa mga Pilipinong sumama sa rebolusyon. Dahil dito, nagsimula muli ang rebolusyon.

Noong Abril 1898, nagkaroon ng digmaan sa gitna ng Espanya at Estados Unidos. Sa Labanan sa Look ng Maynila, nanalo ang American Asiatic Squadron na pinamumunuan ni Commodore George Dewey at nasakop ang Maynila. Si Dewey ang nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo pabalik ng Pilipinas. Bumalik bigla si Aguinaldo sa kaniyang posisyon at linusob ang Manila.

Pagpapahayag ng kalayaan, diktadura, at pamahalaang mapaghimagsik

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng pagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano, bumalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong 19 Mayo 1898.

Noong Mayo 24, dineklara niya na siya ang pinúnò ng buong militar at nagtatag ng gobyernong diktaturyal na siya bilang diktador.

Noong Hunyo 12, dineklara ang Kalayaan ng Pilipinas sa bahay ng mga Aguinaldo sa Cavite el Viejo, at binása ang Batas na Nagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas. Ito ay sinulat sa baybay-Kastila ni Ambrosio Rianzares Bautista, isang kapamilya ni Jose Rizal, na siya ring bumása.

Noong Hunyo 18, dineklara niya sa pamamagitan ng dekrito ang opisyal na pagtatag ng kaniyang diktadurya. Noong Hunyo 23, dineklara naman niya ang gobyerno na rebolusyonaryo at hindi na diktadurya, siya pa rin bílang pangulo.

Itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas sa bisa ng isang kinilalang Konstitusyon noong 21 Enero 1899 sa Malolos, Bulacan at nagtagal hanggang sa nadakip si Pangulong Aguinaldo ng mga Amerikano noong 23 Marso 1901 sa Palanan, Isabela.

Pamumuno at mga katiwala sa pamamahala (gabinete)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkaroon ng dalawang bahaginan ng katiwala si Pangulong Aguinaldo.

Katungkulan Pangalan Panahon ng panunungkulan
Pangulo Emilio Aguinaldo 1897–1901
Pangalawang Pangulo Mariano Trías 1897
Punong Katiwala Apolinario Mabini Enero 21 – 7 Mayo 1899
Pedro Paterno Mayo 7 – 13 Nobyembre 1899
Katiwala sa Pananalapi Mariano Trías Enero 21 – 7 Mayo 1899
Hugo Ilagan Mayo 7 – 13 Nobyembre 1899
Katiwala sa Ugnayang Panloob Teodoro Sandiko Enero 21 – 7 Mayo 1899
Severino de las Alas Mayo 7 – 13 Nobyembre 1899
Katiwala sa Digmaan Baldomero Aguinaldo Enero 21 – 7 Mayo 1899
Mariano Trias Mayo 7 – 13 Nobyembre 1899
Katiwala sa Kalusugan Gracio Gonzaga Enero 21 – 7 Mayo 1899
Katiwala sa Ugnayang Panlabas Apolinario Mabini Enero 21 – 7 Mayo 1899
Felipe Buencamino Mayo 7 – 13 Nobyembre 1899
Katiwala sa Kautusang Pambayan Aguedo Velarde 1899
Katiwala sa Pagawaing Bayan at Talastasan Máximo Paterno 1899
Katiwala sa Pagsasaka, Paggawa ng Kagamitan, at Kalakalan León María Guerrero Mayo 7 – 13 Nobyembre 1899

Patakarang pambansa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpatuloy ang Kapulungan ng Malolos. Ipinagpatuloy muna ang paggamit ng pamamaraang Kastila sa maraming gawain ng pamahalaan kasama ang pagsingil ng buwis, subali't hindi kasama ang sa sabong at sa iba pang katuwaan. Binabaan ang buwis sa digmaan at ang kusang-loob na bigay ay tinatanggap. Inayos din ang kaparaanan sa pagbubuwis sa mga inaangkat. Binuksan ang pambansang pautang.

Pinabuksan kaagad ang mga mababang paaralan. Ang pag-aaral sa mababang paaralan ay sapilitan. Si Enrique Mendiola ay nagbukas ng Instituto de Burgos at pinili na ang tagapangasiwa nito ay gawing tagapangasiwa ng pagtuturong pambayan. Ang pamantasan ay nagbigay ng mga kaaralan sa pagtatanim, pagtilingin, at pangangalakal at ng mga kaaralang nagbibigay ng kasulatang katibayan ng pangunahing kasanayan (artium baccalaureus; A.B.).

Isang kautusan ang nagbigay ng panahon upang itayo ang Universidad Literaria ("pamantasan sa mga kasulatan"). Ang pamantasang ito ay nagbigay ng kaaralan sa panggagamot, paninistis, at pagpapatotoong pambayan. Ang Pangulo ang pipili ng magtuturong siya namang pipili ng tagapangasiwa ng pamantasan. Ang naging unang tagapangasiwa ay si Joaquín Gonzales. Ang kasunod ay si León María Guererro.

Pangkabayanang pamamahala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinunod ng Pangulo ang payo ni Apolinario Mabini at nagbigay ng dalawang kautusan, isa noong 18 Hunyo at isa naman noong ika-20 upang ayusin ang kaparaanan ng pamahalaan sa mga lalawigan at bayan. Nakasulat dito na kahit napilitan siyang maging diktador, nais niyang kasama ang mga pinakanararapat na maging halal na sila rin ay pinagkakatiwalaan ng kanilang mga kababayan.

Sa mga kautusang ito, ang mga lalaking 21 taon pataas ay dapat maghalal ng isang Consejo Popular ("sangguniang-bayan") na binubuo ng isang Pangulo, Ikalawang Pangulo, Kapitan ng Barrio, Delegado ng Katarungan, Rehistrado Sibil, Delegado ng Pulis at Panloob na Kaayusan, at Delegado ng Buwis at Pagmamay-ari. Pagtitibayin ng pamahalaan ang mga halal na ito.

Ang mga inihalal ng Pangulo at napagtibay sa parehong paraan ay: isang tagapamahala at tatlong sinasangguni kasama ang isang bibigyang-katungkulan sa bulwagang-lalawigan at sangguniang panlalawigan.

Pagbabago sa konstitusyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa abala sa ikalimang utos ng Konstitusyon ng 1898 na nagtatakda ng paghihiwalay ng Simbahan at ng Pamahalaan, ang Primer Ministro o Punong Katiwalang si Apolinario Mabini ay nagbigay ng pagpapaliban sa utos hanggang magkaroon muli ng kapulungan sa pagkatatag ng bansa. Ang mga lugar na kailangan ng pari ay binibigyan ng tulong. Ito ay pinagtibay noong 23 Disyembre at naging ika-100 utos ng Konstitusyon ukol sa pansamantalang gawain habang pinapalitan ang pamahalaan.

Ukol sa Magkakabuklod na Kabayanan ng Kabisayaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Upang mapatunayan ang pagkakaisa ng Republika, ginawang pangulo ng Magkakabuklod na Kabayanan ng Kabisayaan si Raymundo Melliza sa loob ng dalawang taon, pagkatapos manumpa ng katapatan sa Unang Republika at kumilala kay Aguinaldo bilang kataas-taasang pangulo.

Patakarang panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga bihag na Kastila

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pinalaya ni Pangulong Emilio Aguinaldo ang mga Kastilang nabihag sa pamamagitan ng ganap na kahabagan (celemencia executivo) matapos itatag ang Republika. Pinayagan niya rin silang makapaghanapbuhay sa Pilipinas.

Digmaang Pilipino-Amerikano

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 4 Pebrero 1899, binaril ng isang Amerikanong sundalo ang isang Pilipino. Ito ang dahilan kaya nagsimula ang Digmaang Pilipino-Amerikano at nagsimula ang labanan sa gitna ng mga sundalong Amerikano at mga Pilipinong para sa kalayaan. Ang mas malakas na armas ng mga Amerikano ay nagpaalis ng mga Pilipino sa mga lungsod at kailangan maglipat ng lugar ng Gobyernong Malolos.

Lumikas si Pangulong Aguinaldo papuntang Hilagang Luzon habang hinahabol ng mga Amerikano. Noong 2 Hunyo 1899, nakatanggap ng telegrama si Heneral Antonio Luna, isa sa mga kaagaw ng pangulo at magaling na heneral, at nagtanong kung pwede sila magkita sa Kumbento ng Simbahan sa Cabanatuan. Ngunit, tinaksil siya ni Aguinaldo dahil ipinapatay siya ng mga tauhan ng pangulo matapos malaman na wala ang pangulo sa kumbento (Hunyo 5). Nilibing siya sa simbahan at walang imbestigasyong naganap. Hindi nahuli ang pumatay.

Pagkamatay ni Luna, nagkaroon na ng kapangyarihan ang pangulo sa buong militar. Dahil wala na ang kagalingan ni Luna, natalo ng natalo ang militar. Noong Nobyembre 1899, nakaabot na sina Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Nagkaroon ng labanan sa Tirad Pass na pinamunuan ni Heneral Gregorio del Pilar para matago ang pangulo. Ngunit, natalo sila sa pwersa ng mga Amerikano at namatay pa si del Pilar at 52 sa 60 na kasama ni del Pilar.

Halos pagkatapos ng dalawang taon, nahuli si Pangulong Aguinaldo ng mga Amerikano sa pamumuno ni Heneral Frederick Funston sa pamamagitan ng pagkukunwari na sila'y mga nahuling Amerikano ng mga Macabebe Scouts na silang nagturo ng lokasyon ni Aguinaldo.

  1. As officially recognized by the contemporary Philippine government; President of the Philippine Commonwealth in 1935
  2. The exact date of Aguinaldo's birthdate was March 22, 1869. It can be seen in National Historical Institute's marker in Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite.[kailangan ng sanggunian] Some sources give other dates.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Karnow, Stanley (1989). "Emilio Aguinaldo". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kaugnay na naisulat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ibang mapagbabasahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sinundan:
Itinatag ang katungkulan
Pangulo ng Pilipinas
1899–1901
Susunod:
Manuel L. Quezon