Pumunta sa nilalaman

Ilebo

Mga koordinado: 4°19′S 20°36′E / 4.317°S 20.600°E / -4.317; 20.600
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ilebo
Ilebo is located in Democratic Republic of the Congo
Ilebo
Ilebo
Kinaroroonan sa Demokratikong Republika ng Congo
Mga koordinado: 4°19′S 20°36′E / 4.317°S 20.600°E / -4.317; 20.600
Bansa Demokratikong Republika ng Congo
LalawiganKasai
ClimateAw
Pambansang wikaTshiluba

Ang Ilebo, dating kilala bilang Port-Francqui, ay isang lungsod sa Lalawigan ng Kasai sa Demokratikong Republika ng Congo, na matatagpuan sa pinakamalayong punto na mapaglalayagan sa Ilog Kasaï. Ito ay isang mahalagang pusod ng transportasyon para sa mga ferry papuntang Kinshasa at tren papuntang Lubumbashi.

Itinatag ang Ilebo noong ika-17 dantaon bilang sentro ng pangangalakal at tirahan ng mga punong pampook. Lumago ito noong ika-19 dantaon at naging pinakamalaking pamayanan sa Gitnang Congo na may tinatayang 5,000 katao bago ang pagdating ng mga Belhikano. Nakaugnay ang Ilebo sa ibang mga pamayanan sa pamamagitan ng ilog at ilang mga daang buhangin na maaaring maraanan ng mga kargador. Noong 1901 binago ng pangasiwaang kolonyal ng Belhika ang pangalan ng bayan sa Port-Francqui mula Ilebo.

Mabilis na lumaki ang lungsod sa ilalim ng pangasiwaang kolonyal ng Belhika, lalo na noong binuksan ang linyang daambakal papuntang Lubumbashi. May mga panukalang papahabain ang linyang daambakal patungong Kinshasa, at nagsimula ang pagtatayo ng isang tulay sa ibabaw ng Ilog Kasaï noong 1935, ngunit nahinto kasunod ng pagbagsak nito noong ika-12 ng Setyembre, 1937. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumaki nang husto ang lungsod dahil sa pagdagsa ng mga manggagawa sa pampook na industriyang gumagawa ng mga armas para sa digmaan. Pagkaraan ng kalayaan ibinalik ang unang pangalan ng lungsod.[1]

Mga daambakal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nilagdaan noong Setyembre 2007 ang isang kasunduan para mapondohan ng Tsina ang pagtatayo ng linyang daambakal papuntang Kinshasa[2] na may habang mga 700 kilometro.

Mga kapangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May iba pang mga pamayanan sa Congo na gumagamit din ng pangalang "Ilebo."


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. L'Histoire du kasai. Communication, Médias Afrique Noire (sa wikang Pranses). Kinshasa - Paris: Editions L'Harmattan. 1992.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Chinese to plug Ilebo – Kinshasa gap in DR Congo Naka-arkibo 2007-10-23 sa Wayback Machine. Railway Gazette International October 2007