Pumunta sa nilalaman

Awtonomong Republika ng Crimea

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Crimea)
Awtonomong Republika ng Crimea
Автономна Республіка Крим
Автономная Республика Крым
Qırım Muhtar Cumhuriyeti
Watawat ng Crimea
Watawat
Eskudo ng Crimea
Eskudo
Salawikain: Процветание в единстве  (Ruso)
Protsvetanie v edinstve  (transliterasyon)
"Kaginhawaan sa Pagsamasama"
Awiting Pambansa: Нивы и горы твои волшебны, Родина  (Ruso)
Nivy i gory tvoi volshebny, Rodina  (transliterasyon)
Ang iyong mga kapatagan at bundok ay maganda, Inang Bansa
Lokasyon ng Crimea (pula) na may respeto sa Ukranya (bughaw)
Lokasyon ng Crimea (pula) na may respeto sa Ukranya (bughaw)
KabiseraSimferopol
Pinakamalaking lungsodKabisera
Wikang opisyalUkranyano1
Kinilalang wikang panrehiyonRuso, Tatar ng Crimea
Pangkat-etniko
58.32% Ruso
24.32% Ukranyano
12.10% Tatar ng Crimea
PamahalaanAwtonomong Republika
• Pangulo
Nataliya Popovych
Nagsasarili galing sa Imperyong Ruso / Unyong Sobyet
• Nilikha
18 Oktubre 1921
• Tinanggal
30 Hunyo 1945
• Ibinalik
12 Pebrero 1992
Lawak
• Kabuuan
10,038 mi kuw (26,000 km2) (148)
Populasyon
• Pagtataya sa 2007
1,973,185 (148)
• Senso ng 2001
2,033,700
• Densidad
75.6/km2 (195.8/mi kuw) (116)
SalapiHryvnia (UAH)
Sona ng orasUTC+3 (FET)
• Tag-init (DST)
UTC+3 (FET)
Kodigong pantelepono380|380 65/692
Internet TLDcrimea.ua

Ang Crimea o ang Awtonomong Republika ng Crimea (Ingles: Autonomous Republic of Crimea), ay isang awtonomong republika ng Ukraine na makikita sa hilagang bahagi ng Dagat Itim, at pinamumunuan ang isang tangway na kapareho ang pangalan.

Ang teritoryo ng Crimea ay sinakop at kinontrol ng maraming beses sa loob ng kasaysayan nito. Kinontrol ng mga Cimmeryo, Griyego, Persa (Persian), Gotiko, mga Hun, mga Bulgaro, mga Khazar, ang estado ng Kievan Rus, Bizantinong Griyego, mga Kipchak, at ng mga Mongol ang Crimea sa unang bahagi ng kasaysayan nito. Noong ika-13 na siglo, bahagyang kinontrol ito ng mga taga-Benesya and taga-Genoa, at sinundan ito ng Khanate ng Crimea at ang Imperyong Otomano noong ika-15 hangang ika-18 na siglo, ng Imperyong Ruso noong ika-18 hangang ika-20 siglo, at ng Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet ng Rusya and pagtagal, and Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet ng Ukranya sa loob ng Unyong Sobyet sa huling bahagi ng ika-20 siglo, ng Aleman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at ngayon, ang estado ng Ukranya.

Ang Crimea ay isang parliamentaryong republika na pinamumunuan ng Saligang Batas ng Crimea, sa pagsasang-ayon ng mga batas ng Ukranya. Ang kabisera at sentro ng pangangasiwa ng pamahalaan ng republika ay ang lungsod ng Simferopol, na matatagpuan sa gitna ng tangway. Ang pangkalahatang area ng Crimea ay 26,200 kilometrong kuwadrado (100,100 sq. mi). Noong 2007, ang populasyon ng Crimea ay umaabot sa 1,973,185.

And Crimea ay ang pinagmumulan ng mga Tatar ng Crimea, isang katutubong minoridad na nagbubuo ng 13% ng populasyon. Sapilitang pinataboy ang mga Tatar sa Gitnang Asya noong pamumuno ni Josef Stalin, pero nagsimula na silang bumalik noong mga sumunod na taon.[1]

Ang pangalan na Crimea ay nagmula sa lungsod ng Qırım (ngayong Stary Krym), na nagsilbi bilang ang kabisera ng lalawigan ng Crimea ng mga Golden Horde. And salitang Qırım ay Tatar para sa "aking burol" (qır - burol, ım - aking). Subalit, mayroong ibang bersiyon ng pinagmulan ng Qırım. Ang Rusong Kyrm ay ang pina-rusong anyo ng Qırım. Tinawag ng mga Griyego ang Crimea ng Tauris (pagtagal ay naging Taurica), dahil sa mga naktatira dito, ang mga Tauri. Sinabi ni Herodotus, na isang Griyegong dalubhasa sa kasaysayan, na inararo ni Hercules ang lupa gamit ng isang malaking kalabaw ("Taurus"), kaya ganoon ang pangalan ng lupain.

Sa Ingles, minsan tinatawag ang Crimea na kasama ng pantukoy na ang, pero ang paggamit ng wala ang 'ang' ay mas nagiging madalas sa pagsimula ng mga taon ng Unyong Sobyet.