Digmaang Koreano
Digmaang Koreano | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng Digmaang Malamig | |||||||||
Paikot pakanan mula itaas: Mga US Marines na bumabagtas sa mga linya ng mga Tsino sa kasagsagan ng kanilang pag-atras mula sa Lawa ng Chosin; paglapag ng mga sundalo ng Mga Nagkakaisang Bansa sa daungan ng Incheon kung saan nagsimula ang isang labanan roon; mga patakas na Koreano sa harap ng isang tangkeng pandigmang Amerikano; Mga US Marines na lumalapag sa Incheon sa pamumuno ni Unang Tinyente Baldomero Lopez; eroplanong pandigmang F-86 Sabre ng mga Amerikano | |||||||||
| |||||||||
Mga nakipagdigma | |||||||||
Hilagang Korea | Timog Korea | ||||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||||
Kim Il-sung Pak Hon-yong Choi Yong-kun Kim Chaek Mao Zedong Zhou Enlai Peng Dehuai Josef Stalin Nikita Khrushchev |
Rhee Syng-man Harry Truman Douglas MacArthur Dwight Eisenhower | ||||||||
Lakas | |||||||||
Kabuuhan: 3,316,000 260,000 3,000,000[1] 26,000 |
Kabuuhan: ~1,179,000 ~600,000 450,000 50,000 26,000 17,000 7,430[2] 5,500 4,000 4,000 3,400 1,400 1,300 1,300 1,300 900 830 44 | ||||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||||
Kabuuhan: ~1,400,000 lahat ng sanhi |
Kabuuhan: ~770,000 lahat ng sanhi, lahat ng mga bansang sumali sa digmaan | ||||||||
1,000,000-4,000,000 mga sibilyan ang nasawi |
Ang Digmaang Koreano ay hidwaang militar na nilaban sa pagitan ng Hilagang Korea at Timog Korea mula 1950 hanggang 1953.
Lumaya ang Korea sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nang sumuko ang Imperyo ng Hapon. Pinagsangayunan ng Unyong Sobyetiko at Estados Unidos na pansamantalang hatiin ang tangway sa ika-38 hilera, ngunit sa pagsiklab ng tensyon sa Digmaang Malamig ay inabandona ang mga usapan sa reunipikasyon at ang dalawang sona ay naging soberanong estado. Inihayag ang sosyalistang Demokratikong Republikang Bayan ng Korea sa hilaga sa pamumuno ni Kim Il-sung at ang kapitalistang Republika ng Korea sa timog sa pangunguna ni Syngman Rhee.
Mga pangyayari bago ang digmaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang maliit na bansa sa Asya na kung tawagin ay Korea ay sakop ng mga Hapon sa ilalim ng 35 taon ilang taon matapos mapagwagian ng huli ang dalawang digmaang pinaglabanan laban sa mga imperyo ng Tsina at Rusya noong 1910 hanggang sa natalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945. Sa mga pinakahuling araw ng digmaan, naagaw ng mga Rusong Sobyet ang hilagang bahagi ng Korea matapos nilang maipalaya ang hilaga't silangang Tsina sa mga Hapon, habang napasakamay naman ng Estados Unidos ang katimugang bahagi nito. Gayunpaman, nagpasya ang dalawang bansa na sandaliang hatiin ang tangway sa pagitan ng 38th Parallel upang magbigay-daan tungo sa halalan na pasisimunuan ng Mga Nagkakaisang Bansa kung anong pamahalaan ang dapat na lehitimong mamuno sa bansa. Ito ay hinayaang mangyari ng magkabilang panig na walang pagkonsulta sa taumbayang Koreano. Ang mga mamamayan sa timog ay pinapayagang magkaroon ng eleksiyon at gumawa sila ng malayang republika sa pamumuno ni Rhee Syng-man noong 1948, habang tumulong naman ang mga Sobyet sa pagpapatayo ng isang pamahalaang komunista sa pamumuno ni Kim Il-sung sa hilaga sa parehong taon.
Mga paghahanda sa digmaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsialisan ang mga sundalong Sobyet noong 1948 at Amerikano noong 1949 mula sa Korea. Si Rhee, isang kaalyado ng Estados Unidos at isang matigasin na konserbatibo, ay nagsimula ng mga napakalaking pamumuksa laban sa mga pinagkakamalang kalaban ng estado at kakampi ng mga komunista sa hilaga. Dahil dito, ang mga komunista sa timog ay napilitang magtago sa mga bulubundukin at kagubatan para labanan ang pamahalaan ni Rhee. Marami ring mga pag-aalsa sa timog kung saan ay walang awang pinatay ang mga nag-aalsa laban sa kanyang pamahalaan.
Samantala, masusi nang humahanda sa digmaan ang komunistang pamahalaan sa hilaga para sa pagsasakop nila sa timog. Sinanay sila ng mga Ruso mula sa Unyong Sobyet, habang pinauwi naman ng Tsina ang mahigit 70,000 sundalong Koreano na lumingkod at lumaban para sa Hukbong Mapagpalaya ng Bayan. Binigyan rin sila ng mga tangke, kanyon at eroplanong pandigma ng mga Ruso. Dahil dito, naging mas malakas ang sandatahang lakas ng mga taga-hilaga laban sa taga-timog, na halos walang mga malakas na sandata ni kaunting suplay.
Digmaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Simula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginawang malinaw ng mga komunista sa Hilaga na gusto nilang kontrolin ang buong bansa. Humingi si Kim ng pahintulot mula sa Sobyet na diktador na si Joseph Stalin na lusubin ang Timog, kung saan matapos nang magkaroon ng bomba atomika ay pumayag na. Humingi rin siya sa pinuno ng Tsina na si Mao Zedong ng tulong kung sakaling magapi sila sa labanan, kung saan kusa ring siyang pumayag. Noong 25 Hulyo 1950, ang komunistang Hilagang Korea na may 200,000 kawal ay pagulat na nagtangkang sakupin ang buong Timog Korea at ipagkaisa ang buong bansa sa ngalan ng komunismo.
Nasakop na ng mga komunista ang halos lahat ng katimugang Korea matapos nilang naagaw ang katimugang kabisera ng Seoul na halos walang kahirap-hirap sa mga unang araw mula sa pagsiklab ng digmaan. Matagumpay sila sa lahat ng labanan, habang paatras naman nang paatras ang mga taga-Timog patungong timog, naghihintay ng tulong mula sa mga Nagkakaisang Bansa. Ito ay dala na rin sa laki ng bilang ng mga kawal at ng mga makinang pandigma tulad ng tangke at eroplanong pandigma. Habang may 95,000 kawal lang at iilang eroplanong di gaano kahusay sa labanan ang Katimugan, sa loob lamang ng limang araw mula sa simula ng digmaan ay kumibal ang bilang ng kanilang mga kawal patungu sa mas maliit pa sa 22,000.
Pagsali ng mga Nagkakaisang Bansa sa digmaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagpasyang mamagitan ang huli sa pangunguna ng Estados Unidos sa digmaan laban sa mga komunista. Sa mga unang araw ng digmaan ipinagutos ng mga Nagkakaisang Bansa sa Hilagang Korea na itigil nito ang pag-atake ngunit hindi nila ito sinunod. Dahil dito, nagpadala ng pwersa sa Kanlurang Korea ang nasabing lupon. Bagaman na ang mga Sandatahan ng Estados Unidos ang bumubuo sa halos lahat para sa hukbong multinasyonal, labing limang bansa pa ang nagpadala ng kanilang pwersa sa Kanlurang Korea. Naatasan si Heneral Douglas MacArthur na maging pinuno ng sandatahan ng mga Nagkakaisang Bansa. Dahil sa napakaliit na bilang ng mga kawal na natira, isinali na rin sa nasabing lupon ang Timog Korea. Subalit hindi tumigil ang mga taga-Hilaga sa paglusob na umabot sa bandang huli na isang maliit na sukat ng lupa na nakapalibot sa lungsod ng Pusan na lamang ang hawak ng mga Nagkakaisang Bansa at ng Timog, dahilan kung bakit nangangamba na silang mapaalis ng mga komunistang taga-Hilaga patungo sa karagatan. Dito na nangyari ang malakihang Labanan sa Kapaligiran ng Pusan noong ika-4 ng Agosto hanggang ika-18 ng Setyembre ng taong 1950. Habang lumalaban ang mga kawal ng Timog Korea at ng mga Nagkakaisang Bansa hanggang sa huling tindig, nagtitiis naman ang mga taga-Hilaga sa matinding kawalan sa kanilang tauhan at kagamitan sanhi ng walang puwang na pakikipaglaban.
May magandang naisip si Heneral MacArthur para muling mabawi ang karamihan ng Timog Korea mula sa mga komunista. Nagtipon siya ng 70,000 kawal mula sa iba't ibang bansa para lusubin ang daungang lungsod ng Incheon na may di kalayuan sa katimugang kabisera ng Seoul. Kusa nilang nilusob ang una at saka ang huli, dahilan upang umatras pahilaga ang mga komunista na ngayo'y paubos na ang bilang. Napasakamay na ng mga Nagkakaisang Bansa ang lahat ng katimugang Korea. Sa panahong ito hindi tataas sa 30,000 na lamang ang bilang ng mga komunistang kawal ng Hilagang Korea.
Pagsali ng Tsina sa labanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos humingi ng pahintulot kay Pangulong Harry Truman ng Estados Unidos si Heneral MacArthur, nilusob naman nila ang Hilagang Korea. Halos wala silang nakasagupang mga komunista nang nasakop nila ang katimugang bahagi ng Hilagang Korea hanggang naagaw nila ang kabiserang lungsod ng Pyongyang. Sabik na lusubin ang Tsina habang ang mga kawal niya'y nagmamadali nang makatungtong sa Ilog ng Yalu na nagsisilbing hangganan ng Tsina at Hilagang Korea, humingi na naman si Heneral MacArthur ng pahintulot mula sa kanyang pangulo. Subalit ang Liberal na Kongreso ng Estados Unidos, na umabandona sa mga malayang Tsino sa ilalim ni Chiang Kai-shek, ay hindi sumang-ayon sa pagsakop ng Tsina. Naramdaman nilang ang digmaan sa Tsina ay magiging hindi popular sa mga mamamayan ng Estados Unidos, at ibang opisyal ng State Department, na responsable sa polisiyang panlabas ng bansa.
Nagpadala ng mga babala ang Tsina na mamagitan sila sa digmaan para sa Hilagang Korea, pero binawala ang mga ito ni Pangulong Truman. Dito na pumasya ang Tsina na mamagitan sa digmaan para sa Hilaga. Winasak ng mga Tsino ang ilang mga yunit ng mga Amerikano at mga Koreanong taga-Timog noong buwan ng Oktubre, dahilan upang umatras sila patungo sa Ilog ng Chongchon. Pero naglaho sila na parang mga bula dahil umatras sila at nagsitaguan sila sa mga kagubatan at bulubundukin ng hilaga't gitnaang bahagi ng Hilagang Korea upang muling magpalakas at magtipon matapos ng pagkaikli ng mga suplay para sa labanan. Sanhi nito, hindi kumbinsido na tuluyan nang sumali sa digmaan ang Tsina ang kumandante ng mga Nagkakaisang Bansa at tinantya nila na mat 50,000 Tsino lamang ang mayroon sa Korea. Bagkus, sa buwan ng Nobyembre sinimulang muli ni Heneral MacArthur ang opensiba na tinatantyang matatapos sa bisperas ng Pasko upang makumpleto na ang pagkakaisa ng Korea sa bandera ng kapitalismo. Dito nagkamali si MacArthur. Pagkatapos magtipon at magparaming muli, at ngayo'y napakarami na nila sa bilang ng kanilang mga kawal, na hindi bababa sa 1,000,000 ang bilang,[3] lumusob na naman ang mga Tsino sa lahat ng mga pook ng labanan. Dahil wala silang anumang mga makinang pandigma at dahil lumalaban sila sa mga malalakas na sandata ng mga kalaban, lumalaban nang patago sa gabi at nagsasagawa ng mga pananambang ang mga Tsino upang matalo ang labanan. Napaatras ng mga Tsino ang mga hukbo ng mga Nagkakaisang Bansa mula sa Hilagang Korea matapos silang kusang nagtagumpay sa labanan noong Disyembre 1950.
Labanan malapit sa ika-38 paralelo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Napasakamay muli ng mga komunista ang lahat ng Hilagang Korea matapos magapi ng mga Tsino ang mga hukbo ng mga Nagkakaisang Bansa mga araw bago ang pagsapit ng taong 1951. Inakusahan at sinumpaan ng huli ang una bilang mananalakay sa digmaan matapos silang magtangkang magpanukala ng tigil-putukan para sa magkabilang panig. Nilusob na naman ng mga komunista ang Timog, sanhi ng pagkaagaw nila ng lungsod ng Seoul sa ikalawang pagkakataon. Subalit napilitan silang tumigil sanhi ng kawalan at matinding pagkapagod ng mga kawal nila. Dito umatakeng muli ang mga Nagkakaisang Bansa at nalipol sila malapit sa ika-38 paralelo. Nagsagawa ng dalawang malakihang paglusob ang mga Tsino ngunit wala silang gaanong nakuha sa teritoryo habang nagdudusa sa matinding kawalan sa tauhan. Dito na nagsimula ang madugong tablang paglalabanan ng magkatunggali na tatagal pa ng dalawang taon.
Katapusan ng digmaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinabi ni Heneral MacArthur kay Pangulong Truman na ang polisiyang containment ay mahina at maghihikayat sa mga komunista upang manakop. Dahil sa kanyang kritisismo, sinibak siya ni Pangulong Truman mula sa kanyang pamumuno. Noong 27 Hulyo 1953, nilagdaan ng magkabilang panig ang armistisyo sa digmaan, iniwang ang dalawang Korea bago pang nagsimula ang digmaan ay halos hindi nagbago sa sukat ng teritoryo. Samantala, ang mga Kristiyanong misyoneryo ay nagtrabaho sa malayang Republika ng Korea.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Li 2007, p. 111.
- ↑ "Filipino Soldiers in the Korean War (video documentary)". Nakuha noong 2008-03-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Top 10 Worst Military Leaders in History
- Mga palatandaan
- Mga paghahanap
- Mga aklat bilang mga sanggunian
- Appleman, Roy (1992), South to the Naktong, North to the Yalu, Washington, D.C.: Center of Military History, United States Army, ISBN 0-16-035958-9, inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-07, nakuha noong 2014-09-03
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Appleman, Roy (1989), Disaster in Korea: The Chinese Confront MacArthur, bol. 11, College Station, TX: Texas A and M University Military History Series, ISBN 978-1-60344-128-5
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Appleman, Roy (1990a), Escaping the Trap: The US Army X Corps in Northeast Korea, 1950, bol. 14, College Station, TX: Texas A and M University Military History Series, ISBN 0-89096-395-9
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Appleman, Roy (1990b), Ridgway Duels for Korea, bol. 18, College Station, TX: Texas A and M University Military History Series, ISBN 0-89096-432-7
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Chen, Jian (1996), China's Road to the Korean War: The Making of the Sino-American Confrontation, New York, NY: Columbia University Press, ISBN 978-0-231-10025-0
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - (sa Tsino) Chinese Military Science Academy (2000a), History of War to Resist America and Aid Korea (抗美援朝战争史), bol. Volume II, Beijing: Chinese Military Science Academy Publishing House, ISBN 7-80137-392-8
{{citation}}
:|volume=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - (sa Tsino) Chinese Military Science Academy (2000b), History of War to Resist America and Aid Korea (抗美援朝战争史), bol. Volume III, Beijing: Chinese Military Science Academy Publishing House, ISBN 7-80137-394-4
{{citation}}
:|volume=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - George, Alexander L. (1967), The Chinese Communist Army in Action: The Korean War and its Aftermath, New York, NY: Columbia University Press, OCLC 284111
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - (sa Tsino) Guang, Ting (光亭) (2007), Dong, Min Jie (董旻杰) (pat.), "Ice and Blood, Changjin Lake (冰血长津湖)", Der Strum (突击) Magazine Korean War Special Issue, Hohhot, Inner Mongolia: Inner Mongolian People's Publishing House (内蒙古人民出版社), ISBN 7-204-08166-8
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Hermes, Walter G. (1992), Truce Tent and Fighting Front, Washington, DC: Center of Military History, United States Army, ISBN 0-16-035957-0, inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-24, nakuha noong 2014-09-03
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - (sa Tsino) Hu, Guang Zheng (胡光正); Ma, Shan Ying (马善营) (1987), Chinese People's Volunteer Army Order of Battle (中国人民志愿军序列), Beijing: Chinese People's Liberation Army Publishing House, OCLC 298945765
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Li, Xiaobing (2007), A History of the Modern Chinese Army, Lexington, KY: University Press of Kentucky, ISBN 978-0-8131-2438-4
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Malkasian, Carter (2002), A History of Modern Wars of Attrition, Westport, CT: Praeger Publishers, ISBN 0-275-97379-4
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Mahoney, Kevin (2001), Formidable Enemies: The North Korean and Chinese Soldier in the Korean War, Novato, CA: Presidio Press, ISBN 978-0-89141-738-5
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Millett, Allan R. (2010), The War for Korea, 1950–1951: They Came From the North, Lawrence, KS: University Press of Kansas, ISBN 978-0-7006-1709-8
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Mossman, Billy C. (1990), Ebb and Flow: November 1950 – July 1951, United States Army in the Korean War, Washington, D.C.: Center of Military History, United States Army, ISBN 978-1-4102-2470-5, inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-29, nakuha noong 2014-09-03
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Roe, Patrick C. (2000), The Dragon Strikes, Novato, CA: Presidio, ISBN 0-89141-703-6
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Rottman, Gordon (2001), Korean War Order of Battle: United States, United Nations, and Communist Ground, Naval, and Air Forces, 1950–1953, Westport, Connecticut: Praeger Publishers, ISBN 978-0-275-97835-8
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Ryan, Mark A.; Finkelstein, David M.; McDevitt, Michael A. (2003), Chinese Warfighting: The PLA Experience Since 1949, Armonk, New York: M.E. Sharpe, ISBN 0-7656-1087-6
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Stueck, William W. (1995), The Korean War: An International History, Princeton, NJ: Princeton University Press, ISBN 0-691-03767-1
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Shrader, Charles R. (1995), Communist Logistics in the Korean War, Westport, CT: Greenwood Press, ISBN 0-313-29509-3
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Spurr, Russell (1988), Enter the Dragon: China's Undeclared War Against the U.S. in Korea 1950–51, New York, NY: Newmarket Press, ISBN 1-55704-008-7
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Varhola, Michael J. (2000), Fire and Ice: The Korean War, 1950–1953, Cambridge, MA: Da Capo Press, ISBN 978-1-882810-44-4
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - (sa Tsino) Wu, Ru Lin (吴瑞林) (1995), 42nd Corps During the War to Resist America and Aid Korea (抗美援朝中的第42军), Beijing: Gold Wall Press, ISBN 7-80084-118-9
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - (sa Tsino) Xue, Yan (徐焰) (1990), First Confrontation: Reviews and Reflections on the History of War to Resist America and Aid Korea (第一次较量:抗美援朝战争的历史回顾与反思), Beijing: Chinese Radio and Television Publishing House, ISBN 7-5043-0542-1
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Zhang, Shu Guang (1995), Mao's Military Romanticism: China and the Korean War, 1950–1953, Lawrence, KS: University Press of Kansas, ISBN 0-7006-0723-4
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Zhang, Xiao Ming (2004), Red Wings Over the Yalu: China, the Soviet Union, and the Air War in Korea, College Station, TX: Texas A&M University Press, ISBN 1-58544-201-1
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)