Ashur-uballit II
Ashur-uballit II | |
---|---|
koronang prinsipe ng Asirya
| |
Panahon | 612���609 BCE |
Sinundan | Sinsharishkun |
Ama | Sinsharishkun[1] (?) |
Kapanganakan | c. 645 BCE |
Kamatayan | c. 608–606 BC[2] (edad c. 40) |
Si Ashur-uballit II, Assur-uballit II oAshuruballit II[3] (Kuneipormeng Neo-Asiryo: na nangangahulugang "Binubuhay ni Ashur"),[4] ang huling pinuno ng Imperyong Neo-Asirya na namuno mula sa pagbagsak ng Nineveh noong 612 BCE sa ilakim ng magksanib na puwersa ng Babilonya at Medes. Itinatag ni Ashur-ubbalit II ang Harran bilang kabisera ng Asirya. Siya ay nakipag-alyansa kay Necho II ng Ehipto upang bawiin ang Harran ngunit parehong umurong sa magkasanib na puwersa ng Babilonya at Medes na humantong sa pagwawakas ng Imperyong Neo-Asirya.
Sa tradisyong, Asiryo, ang hari ay hinhirang sa pamamagitan ng pambansang Diyos ng Imperyong Neo-Asirya na si Ashur tuwing pista ng Bagong Taon. Ang huling hari na kinoronahan sa templo ni Ashur sa Assur ay si Sinsharishkun at dahil nawasak ang siyudad noong 614 BCE, hindi na posibleng makoranahan ang isang pinuno ayon sa tradisyong Asiryo..[5] Ang ritwal ng koronasyon ay isang paraan ng pagbibigay ng kapanyarihang makahari sa isang hari na nagpapatibay sa kanyang katayuan bilang isang ang representatibo ng Diyos na si Ashur sa mundo.[6] Si Ashur-uballit II ay kinoronahan noong ca. 612 BCE hindi sa pamamagitan ni Ashur kundi ng Diyos ng buwan na si Sin (diyos] na isa ring mahalagang Diyos sa Harran.[6] Bagaman, siya ay tinawag na hari ng mga Babilonyo, hindi siya itinuring na isang hari ng mga Asiryo. Sa halip, siya ay binigyan ng pamagat na "prinsipe ng korona"(mar šarri, "anak ng hari"),[6] mula sa mga dokumentong natagpuan sa Dur-Katlimmu:
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Radner 2013.
- ↑ Rowton 1951, p. 128.
- ↑ Kia 2016, p. 214.
- ↑ Radner 2019, p. 136.
- ↑ Reade 1998, p. 260.
- ↑ 6.0 6.1 6.2 Radner 2019, pp. 135–136.