Davey Allison
Si Davey Allison (Pebrero 25, 1961 - Hulyo 13, 1993) ay isang drayber ng #28 Texaco-Havoline Ford sa NASCAR mula 1985 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ay anak ng nanalo ng Winston Cup Title noong 1983 na si Bobby Allison. Ipanaganak siya sa Hollywood, Florida sa Estados Unidos. Nagsimula ang kanyang karera sa NASCAR noong 1985 at nagsimula ring manalo ng karera noong Mayo 3, 1987 sa Talladega Superspeedway. Noong 1988, ang mag-amang Bobby at Davey Allison ay nagtapos ng isa at ikalawang posisyon sa Daytona 500. Noong Hulyo 12, 1993, siya ay naka-pilote sa helicopter, sinubok niya mag-land sa Talladega Superspeedway nang bumagsak ang kanyang helicopter at siya ay nasugatan. Namatay siya sa seryosong injury noong sumunod na araw sa gulang na 32. Bago siya namatay, si Davey Allison ay nagtapos ng 19 na panalo at ang kanyang panalo sa Daytona 500 noong 1992. Iniwan niya ang kanyang asawa at mga dalawang niyang anak.
Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Site ni Davey Allison Naka-arkibo 2022-01-29 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.