Enerhiya ng pagkain
Ang enerhiya ng pagkain ay enerhiyang kemikal na nakukuha ng mga hayop (pati ang mga tao) mula sa kanilang pagkain upang mapanatili ang kanilang metabolismo, kabilang ang aktibidad ng kanilang kalamnan.[1]
Nakukuha ng karamihan ng mga hayop ang kani-kanilang enerhiya mula sa respirasyong aerobiko, alalaong baga’y pagsasama-sama ng mga karbohidrata, taba, at protina sa oksiheno mula sa hangin o nalusaw sa tubig.[2] Maaaring makaambag ang mga ibang mas maliliit na bahagi ng diyeta, kagaya ng mga asidong organiko, poliyol, at etanol (inuming de-alkohol). Kaunti o walang naibibigay na enerhiya ang ilang bahagi ng diyeta, tulad ng tubig, mga mineral, mga bitamina, kolesterol, at hiblang pandiyeta, ngunit maaaring kailanganin pa para sa kalusugan at kaligtasan sa iba pang kadahilanan. Imbes nito, may respirasyong anaerobiko ang ilang mga organismo na kumukuha ng enerhiya mula sa pagkain gamit ang mga reaksyon na hindi nangangailangan ng oksiheno.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Allison Marsh (2020): "How Counting Calories Became a Science: Calorimeters defined the nutritional value of food and the output of steam generators [Kung Paano Naging Agham Ang Pagbibilang ng Kaloriya: Tinukoy ng mga Kalorimetro ang sustansiya ng pagkain at output ng henerador de-singaw] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 2022-01-21 sa Wayback Machine." Online article on the IEEE Spectrum Naka-arkibo 2022-01-20 sa Wayback Machine. website, pinetsahan sa 29 Disyembre 2020. Nakuha noong 2022-01-20.
- ↑ Ross, K. A. (2000c) Energy and fuel [Enerhiya at pinagmumulan nito] (sa wikang Ingles), sa Littledyke M., Ross K. A. at Lakin E. (eds), Science Knowledge and the Environment. London: David Fulton Publishers.