Pumunta sa nilalaman

John Calvin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
John Calvin
Kapanganakan10 Hulyo 1509 (Huliyano)
    • Noyon
  • (arrondissement of Compiègne, Oise, Hauts-de-France, Metropolitan France, Pransiya)
Kamatayan27 Mayo 1564 (Huliyano)
  • (Canton of Geneva, Suwisa)
LibinganCimetière des Rois
NagtaposCollège de la Marche
Collège de Montaigu
University of Bourges
Ancienne université d'Orléans
University of Orléans
Trabahopastor, teologo, abogado, manunulat
AsawaIdelette Calvin
Magulang
  • Gérard Cauvin
Pirma

Si Jean Cauvin o Jean Calvin (sa anyong Pranses), Juan Calvino (batay sa Kastila), o John Calvin (sa anyong Ingles) (10 Hulyo 1509 – 27 Mayo 1564) ay isang Pranses na Protestanteng teologong namuhay sa panahon ng Repormang Protestante, at naging nasa gitna ng pagpapaunlad ng sistema ng Kristiyanong teolohiyang tinatawag na Kalbinismo o repormadong teolohiya. Sa lungsod ng Hinebra, tinanggihan niya ang awtoridad ng Papa, naglunsad ng bagong plano ng sibiko at eklesyastikal na pamamahala. Naging bantog siya dahil sa kanyang mga pagtuturo at mga sulatin, at nagkaroon ng masamang reputasyon dahil sa pagbibigay ng parusang kamatayan kay Michael Servetus.

Ipinanganak si Calvin na may pangalang Jean Chauvin o Jean Cauvin (Ioannes Calvinus sa anyong Latin) sa Noyon, Picardie, Pransiya, sa mga magulang na sina Gérard Cauvin at Jeanne Lefranc. Noong 1523, ipinadala siya ng kanyang amang manananggol sa Pamantasan ng Paris, noong labing-apat na taong gulang pa lamang si Calvin, upang mag-aral ng humanidades o araling pantao at batas. Pagdating ng 1532, nagkamit na siya ng degri sa pagka-Duktor sa Batas sa Orléans. Noong 1536, nanatili siya sa Hinebra, Suwisa. Pagkaraan mapaalis mula sa lungsod na ito, naglingkod siya bilang pastor sa Istrasburgo mula 1538 hanggang 1541, bago muling magbalik sa Hinebra, kung saan namuhay siya hanggang sa kanyang kamatayan noong 1564.


TalambuhayPransiyaKristiyanismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pransiya at Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.