Kartilago
Ang kartilago ay isang nagdudugtong na tisyung nababaluktot sa mga hayop, kasama ang mga kasu-kasuan sa pagitan ng mga buto, tadyang, tainga, ilong, tubong brongkiyal, at intervertebral discs. Ito ay hindi kasingtigas at tibay ng buto ngunit mas matigas at hindi gaanong nababaluktot kaysa sa kalamnan.
Dahil sa tibay nito, ang kartilago ay gumaganap minsan bilang mga tubo na humahawak sa mga butas sa katawan ng isang hayop. Kabilang sa mga halimbawa ay ang mga "singsing" ng trachea, na tinatawag na cricoid cartilage at carina, ang torus tubarius at ang bungad ng pharyngotympanic/auditory tube, ang ala ng mga buhok sa ilong, at ang auricle/pinna ng tainga.
Ang kartilago ay binubuo ng mga espesyal na selula na tinatawag na chondrocytes na gumagawa ng maraming collagenous extracellular matrix, isang sustansya na mayaman sa proteoglycan at mga elastin fiber. Ang kartilago ay may tatlong uri, elastic cartilage, hyaline cartilage, at fibrocartilage. ang mga chondroblasts na nakikita sa matrix ay tinatawag na chondrocytes.