Pumunta sa nilalaman

Katharine Hepburn

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katharine Hepburn
Larawan ni Hepburn, 33 years old
Panglathalang larawan ng studio, circa 1941
Kapanganakan
Katharine Houghton Hepburn

12 Mayo 1907(1907-05-12)
Hartford, Connecticut, Estados Unidos
Kamatayan29 Hunyo 2003(2003-06-29) (edad 96)
Fenwick, Old Saybrook, Estados Unidos
NasyonalidadAmerikano
TrabahoAktres
Aktibong taon1928–1994
AsawaLudlow Ogden Smith
(1928–1934)
KinakasamaSpencer Tracy
(1941–1967, kamatayan)
MagulangKatharine Martha Houghton Hepburn
Thomas Norval Hepburn

Si Katharine Houghton Hepburn (12 Mayo 1907 – 29 Hunyo 2003) ay isang Amerikanong aktres sa pelikula, entablado at telebisyon. Ang kanyang karera bilang leading lady sa Hollywood ay tumagal ng mahigit sa 60 taon. Kilala si Hepburn sa pagiging sutil at may matapang na personalidad. Nalinang niya ang pangganap sa katauhan na tumutugma sa kanyang imahe sa madla, at karaniwang gumaganap bilang isang sopistikada, matapang at may paninindigang babae. Ginampanan niya ang iba't-ibang papel, mula screwball comedy hanggang sa dramang pampanitikan, at umani ng apat na Academy Award bilang Pinakamahusay na Aktres—isang record para sa isang gumaganap.

Lumaki si Hepburn sa Connecticut sa isang mayaman at progresibong mga magulang. Nagsimula siyang umarte habang nag-aaral sa Bryn Mawr College. Ang mga papuring kanyang natanggap sa kanyang pagganap sa Broadway sa loob ng apat na taon ay nagbigay daan upang siya'y mapansin ng mga taga-Hollywood. Naging matagumpay ang kanyang simulain sa industriya ng pelikula nang siya'y pagkalooban ng Academy Award sa kanyang pagganap sa Morning Glory (1933), ang ikatlo niyang pelikula. Subalit nasundan naman ito ng mga sunod-sunod na naluging palabas na nagbansag sa kanya bilang "box office poison" (lason sa takilya) noong 1938. Sa taong din iyon, siya mismo ang nagsagawa ng daan upang makabalik sa industriya nang kanyang bilhin mula sa RKO Radio Pictures ang kanyang kontrata at makuha niya ang karapatang maisapelikula ang The Philadelphia Story na kanya namang ibinenta sa kondisyong siya ang gaganap dito. Noong 1940, pumirma si Hepburn ng kontrata sa Metro-Goldwyn-Mayer, kung saan natuon ang kanyang karera sa tambalan nila ni Spencer Tracy. Tumagal ng 25 taon ang tambalan nila ni Tracy na nagkaroon ng siyam na pelikula.

Sa huling kalahating bahagi ng kanyang buhay, patuloy siyang gumanap sa iba't-ibang pampanitikang papel sa mga dulang Shakespeare na pang-entablado. Bumagay sa kanya ang mga papel bilang solterang nasa gitnang-gulang, gaya ng sa The African Queen (1951), isang katauhang malugod na tinanggap ng madla. Tatlo pang Oscars ang kanyang napanalunan sa kanyang pagganap sa Guess Who's Coming to Dinner (1967), The Lion in Winter (1968), and On Golden Pond (1981). Noong dekada ng 1970, nagsimula siyang lumabas sa mga pelikulang pantelebisyon kung saan natuon na ang kanyang mga pagganap. Naging aktibo siya kahit pa matanda na at huli siyang lumabas noong 1994 sa edad na 87. Matapos ang ilang taong pananahimik at lumalalang kalusugan, pumanaw si Hepburn noon 2003 sa edad na 96.

Kilala si Hepburn sa kanyang pag-iwas sa paggamit ng publisidad ng Hollywood at di-pag-angkop sa mga kaugalian inaasahang ng lipunan sa mga kababaihan. Siya rin ay kilalang di-nangingiming magsalita, naninindigan, masigla at nagsusuot na ng pantalon bago pa man ito nauso. Minsan siyang ikinasal noong kanyang kabataan, ngunit hiwalay na nanirahan matapos noon. Ang kanya namang 26-na-taong relasyon sa kanyang katambal na si Spencer Tracy ay nailingid sa kaalaman ng publiko. Sa ika-20 siglong Amerika, naging larawan si Hepburn ng "makabagong kababaihan" dahil sa kanyang di-karaniwang paraan ng pamumuhay at ang mga malayang kababaihang karakter na kanyang ginampanan ay nagbigay daan upang maimpluwensiyahan nito pagbabago ng pagtingin sa kababaihan. Noong 1999, kinilala siya ng American Film Institute bilang Nangungunang aktres sa kasaysayan ng Hollywood.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "AFI's 100 Years...100 Stars". American Film Institute. 16 Hunyo 1999. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Enero 2013. Nakuha noong 17 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)