Pumunta sa nilalaman

Kompositor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang kompositor (Latin com+ponere, literal na "taong nakabubuo") ay ang taong lumilikha ng musika. Ang pinakamahalagang kahulugan ng termino ay tumutukoy sa mga indibidwal na nakapag-ambag sa tradisyong musikang klasikal ng mga taga Kanluran, sa paglikha ng mga gawang napapahayag sa mga nasusulat na notasyong musikal. Sa malawakang paggamit, "ang kompositor" ay may kakayahang magtalaga ng taong makikibahagi sa ibang tradisyon ng musika, pati na rin yung mga taong lumikha ng musika sa pamamagitan ng ibang nasusulat na notasyon: halimbawa, sa pamamagitan ng improbisasyon, pagrerekord, at pag aayos. Sa popular na mga kategorya ng musika, ang mga musikong lumikha ng mga bagong awitin ay karaniwang tinatawag na mga manunulat ng kanta.

Dahil hindi kumpletong naihahayag nang  pagsulat ang kabuuan nang anyo ng musika, malawak ang posibilidad na maipakita nang magtatanghal kung paano malalaman ang isang natapos na porma . Kahit na sa klasikong piyesa ng musikang instrumental sa lahat ng melodiya, chords, at basslines ito isinusulat, ang magtatanghal ay may malawak ng kalayaan sa pag daragdag ng sarili niyang malikhaing interpretasyon sa pagiiba nang artikulasyon at linya.

Sa pagpili ng kung gaano ka haba ang fermata o paghinto, at sa kaso ng bowed string, woodwinds o brass instruments, sa pagdesisyon na kung paano ihahayag ang epekto sa vibrato o portamento. Ang musika na ginawa sa Baroque era, partikular sa mabagal na tiempo, ay mas madalas na isinusulat nang mas hayag na balangkas, kasama na dito ang ekspektasyon ng pagdaragdag nang improvise ornaments sa linya ng melodiya sa kasalukuyang pagtatanghal. Sa pagkalipas ng panahon nababawasan ang kalayaan, nasasalamin sa pag-angat ng paggamit ng kompositor sa mas detalyadong pagsulat nito, kabilang na dito ang ekpresyon na pagmarka na nagsasabi na kung papaano ito gagawin ng wasto.

Ang kultura ay umunlad sa tapat na pagsulat ng kompositor ayon sa intensyon na mataas ang pagtingin sa kahalagahan na ito. Ang kultura sa musika na ito ay halos kaugnay ng mataas na pagpa-pahalaga(bordering o veneration) na kung saan ang mga nangungunang klasikal na kompositor ay madalas na isinasagawa  sa pamamagitan ng nagtatanghal.

Salin sa Filipino mula sa: https://en.wikipedia.org/wiki/Composer

TaoMusika Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.