Korona ng Adbiyento
Ang korona ng Adbiyento (Ingles: Advent wreath) ay isang tradisyong Kristiyano na sumisimbolo sa paglipas ng apat na linggo ng Adbiyento sa taon ng liturhiya ng simbahang Kanluranin. Nagmula ang gawaing ito sa mga Luterano, ngunit kumalat na ito sa mga ibang denominasyon ng Kristiyanismo.[1][2][3]
Isa itong laging-lunti na korona na may apat na kandila, minsan may panglimang puting kandila sa gitna. Pasimula sa Unang Linggo ng Adbiyento, maaaring isabay sa pagsindi ng kandila ang pagbabasa ng Bibliya, oras para sa debosyon at pagdarasal.[4][5] Paisa-isang sinisindihan ang mga ibang kandila sa mga sumusunod na Linggo hanggang, sa pagsapit ng huling Linggo ng Adbiyento, nakasindi na ang apat na kandila. May ikalimang kandila ang ilang korona ng Adbiyento, na tinatawag na kandila ni Kristo na sinisindihan sa Bisperas ng Pasko o Pasko.[6] Nanggaling ang kaugaliang ito sa mga pami-pamilya, ngunit lumaganap din ito sa pangmadlang pagsamba.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Peter C. Bower (Enero 2003). The Companion to the Book of Common Worship [Ang Kompanyero sa Aklat ng Karaniwang Pagsamba] (sa wikang Ingles). Office of Theology and Worship, Presbyterian Church (U.S.A.). ISBN 9780664502324. Nakuha noong 2 Disyembre 2010.
Mukhang nagmula ito sa tradisyong Luterano, ngunit inangkop na ito ng halos lahat ng mga ibang tradisyon. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ John Trigilio, Kenneth Brighenti (Enero 2007). The Catholicism Answer Book: The 300 Most Frequently Asked Questions [Aklat ng Sagot sa Katolisismo: Ang 300 Karamihan sa mga Madalas Itanong] (sa wikang Ingles). Sourcebooks. ISBN 9781402232299. Nakuha noong 2 Disyembre 2010.
Sa kasaysayan, isang gawaing Luterano ang korona ng Adbiyento na nagsimula noong tatlong daang taon ang nakalipas. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Carl Seaburg (30 Abril 2003). Celebrating Christmas: An Anthology [Pagdiriwang ng Pasko: Isang Antolohiya] (sa wikang Ingles). Unitarian Universalist Ministers Association. ISBN 9780595309740. Nakuha noong 2 Disyembre 2010.
Nagmula ang paggamit ng Korona ng Adbiyento sa mga Luterano sa Alemanya ilang daang taon na ang nakalipas. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Geddes, Gordon; Griffiths, Jane (2001). Christianity [Kristiyanismo] (sa wikang Ingles). Heinemann. p. 96. ISBN 9780435306953.
Bawat araw tuwing Adbiyento, sinisindihan ang kandila at pinahahayaang masunog hanggang sa susunod na bilang. Sa maraming tahanan, sinasabayan ng pagbasa sa Bibliya at dasal ang pagsindi ng kandila. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bradner, John (1977). Symbols of Church Seasons and Days [Mga Simbolo ng mga Panahon at Araw ng Simbahan] (sa wikang Ingles). Morehouse-Barlow Company. ISBN 9780819212283.
Karaniwang nakapatong ang korona ng Adbiyento sa isang pahalang ibabaw. Lalong angkop ito kapag ginagamit sa bahay bilang sentro para sa araw-araw na debosyon sa Adbiyento. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dennis Bratcher. The Season of Advent: Anticipation and Hope [Ang Panahon ng Adbiyento: Pag-asam at Pag-asa] (sa wikang Ingles). Christian Research Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Enero 2011. Nakuha noong 2 Disyembre 2010.
Sa wakas, malinaw na nakikita ang liwanag na dumating sa mundo habang nakasindi ang kandila ni Kristo sa Pasko, at nagagalak ang mga mananamba sa katotohanang natupad na ang pag-asa at pangako noong sinaunang panahon. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)