Pumunta sa nilalaman

Mister Ajikko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mister Ajikko
Mister Ajikkō
ミスター味っ子
DyanraShounen, Action, Comedy
Teleseryeng anime
DirektorYasuhiro Imagawa
EstudyoSunrise
Inere saTV Tokyo
 Portada ng Anime at Manga

Ang Mister Ajikko ay isang seryeng anime.

Balangkas ng kuwento

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Si Yoichi Ajiyoshi ay isang kahanga-hangang kusinero na namamahala ng kanilang karinderia kasama ang kanyang ina. Isang araw, nagpakita si Mister Yoshio sa kanilang karinderia at nagulat sa masarap na lasa at maselang pagluluto ng katsu-don na iniluto ni Youichi. Inimbitahan siya sa gusali ng Aji-oh na nasangkot sa paligsahan sa pagluluto sa bahay ng isang Italyanong kusinerong si Marui. Dahil sa kakayahan at ideya ni Youichi sa pagluluto na may sigla at pagsisilbi ng mahusay sa mga panauhin, natalo si Marui sa paligsahan. Mula noon, nagsimulang makipatunggali si Youichi sa mga ibang kalaban sa pamamagitan ng kanyang masarap na lasa ng pagkain.

Isa sa mga nakalaban niya ay si Kazuma Sakai na kilala sa pagawa ng mga curry dishes siya ang tinatawag na "curry genius." Sapagkat hindi niya mahigitan ng kaalaman sa pagluluto ay nakakatulong din siya kay Yoichi.Dahil sa matagal na pagsasama nila ay naging matalik silang kaibigan (parang mga kapatid). Si Yoichi ay may dalawang makukulit na kaibigan na sina Shigiru at Mitsuko na palagi niyang kasama sa kanyang mga paligsahan sa pagluluto. Silang dalawa ang nagbibigay sa kanya ng kasiyahan at pagtiwala sa sarili. Isang batang babae naman sa pangalang Jimmy ang kasama ni Kazuma. Una natin siyang nakita noong inimbetar si Kazuma na sumali sa Aji Shogun. Sa unang labas ni Jimmy ay nagdamit siya ng panlalake kaya inalam ng lahat na siya ay isang lalake. Nagulat ang lahat ng malaman nila na siya ay isa palang babae. Noong malaman ni Kazuma ang totoong pagkatao ni Jimmy ay parang nahihiya siya sa kanya dahil sa pagtrato niya kay Jimmy.

Mga nagboboses ng Mister Ajikko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Wikang Hapon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Wikang Tagalog

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Dubbing Director: Daisy Carino

Awiting tema ng Mister Ajikko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangbungad na awit:

  1. "Renaissance jounetsu (ルネッサンス情熱)" ni Wataru Kuniyasu (国安わたる)

Pangwakas na awit:

  1. Kokoro no Photograph (心のPhotograph)" ni Wataru Kuniyasu (国安わたる)