Pumunta sa nilalaman

Pablo Picasso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pablo Picasso
Si Pablo Picasso noong 1962
Kapanganakan
Pablo Diego José Francisco de Paula Juan Nepomuceno María de los Remedios Cipriano de la Santísima Trinidad Martyr Patricio Clito Ruíz y Picasso

25 Oktubre 1881(1881-10-25)
Kamatayan8 Abril 1973(1973-04-08) (edad 91)
NasyonalidadKastila
EdukasyonJose Ruíz (ama), Academy of Arts, Madrid
Kilala saPainting, Drawing, Sculpture, Printmaking, Ceramics
Kilalang gawaLes Demoiselles d'Avignon (1907)
Guernica (1937) The Weeping Woman (1937)
KilusanCubism
Pirma

Si Pablo Ruiz Picasso (25 Oktubre 1881 sa Málaga, Espanya – 8 Abril 1973) ay isang Kastilang pintor at eskultor. Isa sa mga kinikilalang alagad ng sining ng ika-20 siglo, siya ang kilalang kasamang nagtatag, kabilang si Georges Braque, ng cubism. Sa kalagitnaan ng dalawang digmaang pandaigdig (Unang Digmaang Pandaigdig at Ikalawang Digmaang Pandaigdig), si Picasso ay bumalik sa pagpinta gamit ang istilong tradisyonal. Mula 1937, ang kanyang mga gawa ay inilarawan bilang surrealistic. Ang kanyang pinkasikat na pinintang larawan ay ang "Guernica", kung saan ipinakita ni Picasso ang pagkatakot at pagkawarak ng Lungsod ng Guernica noong panahon ng Digmaang Sibil sa Espanya.[1]

Sa loob ng 91 taon ng kanyang buhay, naging tapat si Picasso sa pag-unlad ng kanyang artistikong produksyon, kung saan ito ang nagdulot ng pag-unlad at pagpapalawig ng modernong sining sa ika-20 siglo.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Encyclopaedia Apollo Volume X (1972), McGraw-Hill Far Eastern Publishers (S) Ltd.
  2. "Pablo Picasso | Biography, Cubism, Famous Paintings, Guernica, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

SiningTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.