Pag-aayuno at pangingilin sa Simbahang Katoliko
Sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko, sinusunod ang mga disiplina ng pag-aayuno at pangingilin sa mga iba't ibang panahon sa bawat taon. Para sa mga Katoliko, tumutukoy ang pag-aayuno sa pagbabawas ng kinakain ng isang tao, habang tumutukoy naman ang pangingilin sa pag-iiwas sa isang bagay na mabuti, at hindi likas na makasalanan, tulad ng karne. Itinuturo ng Simbahang Katoliko na obligado sa Diyos ang lahat ng tao na magpenitensiya para sa kanilang mga kasalanan, at parehong personal at korporeal ang mga gawaing ito. Walang kwenta ang pag-aayuno ng katawan maliban kung sinamahan ito ng espirituwal na pag-iiwas sa kasalanan. Nagpayo si Basilio ng Caesarea ng sumusunod tungkol sa pag-aayuno:
Mag-ayuno tayo nang katanggap-tanggap at kasiya-siyang sa Panginoon. Ang tunay na pag-aayuno ay paglalayo sa kasamaan, pagtitimpi ng dila, pag-iiwas sa galit, paghihiwalay sa mga pagnanasa, paninirang-puri, kasinungalingan at pagbubulaan. Tunay na pag-aayuno ang kawalan ng mga ito.
Ipinapatupad na batas kanoniko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Simbahang Latin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nakaugat ang kontemporaryong batas kanoniko para sa mga Katoliko ng Simbahang Latin, sui juris (na binubuo ng karamihan ng mga Katoliko), sa Konstitusyong Apostoliko ng 1966 ni Papa Pablo VI, Paenitemini, at kodipikado sa Kodigo ng Batas Kanoniko ng 1983 (sa mga Kanon 1249–1253). Ayon sa Paenitemini, ang Kodigo ng Batas Kanoniko ng 1983 at ang Konstitusyong Sacrosanctum Concilium, sa Miyerkules ng Abo, Biyernes Santo at kung saan posible, sa buong Sabado Santo, kapwa kinakailangang mag-ayuno at mangilin ang mga Katoliko na hindi eksemptado dahil sa iba't ibang kadahilanan. Dapat tuparin ang batas ng pag-aayuno ng mga mayor-de-edad hanggang sa ikaanimnapung gulang. [1][2][3] Sa edad na iyon, awtomatikong hindi na kailangang mag-ayuno ang tao sa Miyerkules ng Abo at Biyernes Santo, ngunit, kung ipahihintulot ng kalusugan, maaari pa rin siyang mag-ayuno kung pipiliin niyang gawin ito.[4] Ayon sa kanon 1252 ng Kodigo ng Batas Kanoniko, kailangang sundin ng lahat ng mga Katoliko sa Simbahang Latin ang mga batas ng pag-aayuno simula sa 14 taong gulang, at ayon doon, "kahit na ang mga taong hindi nakatali sa batas ng pag-aayuno at pangingilin dahil sa kanilang edad, ay tinuturuan ng tunay na kahulugan ng penitensiya".[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The Rules of Fasting" [Ang Mga Batas ng Pag-aayuno]. www.catholiceducation.org (sa wikang Ingles).
- ↑ "Fast & Abstinence" [Pag-aayuno at Pangingilin]. www.usccb.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Canon 1253 – Observance of Fast and Abstinence" [Kanon 1253 – Pag-oobserba ng Pag-aayuno at Pangingilin] (sa wikang Ingles). USCCB. Oktubre 21, 1983. Nakuha noong 2018-03-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "How Should Senior Citizens Observe Fasting and Abstinence during Lent?" [Paano Ba Dapat Mag-ayuno at Mangilin Ang Mga Matatanda tuwing Kuwaresma?] (sa wikang Ingles).
- ↑ Codex Iuris Canonici, kan. 1252