Qui-Gon Jinn
Si Qui-Gon Jinn ay isang tauhan mula sa kuwento ng Star Wars na lumabas sa unang bahagi nito. Siya ay ginanapan ng aktor na si Liam Neeson.
Si Qui-Gon Jinn ay kilala bilang isang matalino at magaling na Jedi, at guro ni Obi-Wan Kenobi. Madalas na ang kanyang mga pananaw ay hindi katulad ng karamihan sa ibang mga Jedi. Habang ang iba ay naniniwala na ang mga ginagawa ngayon ang siyang pagmumulan ng mga mangyayari sa hinaharap, siya naman ay naniniwala na kung ano ang nararapat para sa sandaling ito ang siyang mismong gawin. Marami ang gumagalang sa kanya, subalit dahil nga sa kanyang mga pananaw, ni hindi naging kabilang ng Konseho ng mga Jedi si Qui-Gon.
Minana ni Qui-Gon ang mapag-alsa niyang mga kaisipan mula sa kanyang guro, si Konde Dooku. Subalit hindi siya katulad ng kanyang guro na umalis sa Kapatiran ng Jedi at sumanib sa mga Sith; nanatili siyang naglilingkod at tapat sa pinaniniwalaan ng mga Jedi hanggang sa dulo ng kanyang buhay.
Nasawi si Qui-Gon matapos makipagsagupaan kay Darth Maul. Bago siya namatay, inatasan niya si Obi-Wan na tuturuan ni Obi-Wan ang batang alipin na si Anakin Skywalker.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.