Ragnarok Online
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Agosto 2011) |
Ragnarok Online | |
---|---|
Naglathala | GRAVITY Co., Ltd. |
Nag-imprenta | GRAVITY Co., Ltd. |
Engine | AEGIS |
Plataporma | Windows |
Release | |
Dyanra | MMORPG |
Mode | Multiplayer |
Ragnarok Online (Koreano: 라그나로크 온라인, o Ang Huling Tadhana ng mga Diyos), kadalasang kilala bilang RO, ay isang massively multiplayer online role-playing game o MMORPG na ginawa ng GRAVITY Co., Ltd. batay sa manhwa Ragnarok ni Lee Myung-jin. Una itong inilabas sa Timog Korea noong 31 Agosto 2002 para sa Microsoft Windows at mula noo'y inilabas na rin sa iba't ibang lupalop ng mundo.
Ang istilo at tagpuan nito'y naimpluwensiya ng maraming kultura. Dahil sa katanyagan, nagsilang pa ito ng seryeng Ragnarok the Animation, at ang larong Ragnarok Online 2: Legend of The Second ay binubuo na. Ang katauhan ng mga manlalaro ay namumuhay sa mundong ang kapaligiran nila'y unti-unting nagbabago sa paglipas ng panahon. Ang mga pangunahing pagbabago sa katangian at kasaysayan ay umiiral bilang mga bahagi sa panahon ng RO. Nakikipaghalubilo ang mga manlalaro sa isang kapaligirang 3D subalit katauhang 2D ang kumakatawan sa mga ito para sa angulong paharap, patalikod, patagilid at pahilis.
Tagpuan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ragnarok Online ay inihati sa mga mapang may sariling kalupaan at katutubo't likas na mga hayop at halimaw na matatagpuan din sa ibang rehiyon. Ang transportasyon sa pagitan ng mga mapa ay nangangailangan ng pagsunong ng bagong mapa at ang mga hayop at halimaw ay hindi naglalakbay mula sa isang mapa tungo sa isa pa.
May tatlong pangunahing bansa sa Ragnarok Online, ang una at kung saan nagsisimula ang mga manlalaro ay sa Rune Midgard. Ang Schwaltzvalt Republic, isang industriyalisadong bansa sa hilaga, ay idinagdag sa Kabanata 10[4] at ang Arunafeltz, isang banal na lupaing inihalintulad sa Israel at Turkiya, ay ang paksa ng Kabanata 11.[5]
Mayroong ding menor na mga bayang inihalintulad sa mga sinaunang lipunan gaya ng Amatsu na kahawig ng sinaunang Hapon,[6] at Louyang na kahawig ng sinaunang Tsina.[7]
Kasama rin dito ang mga lugar sa mitolohiyang Norse, tulad ng Niflheim, ang lupain ng mga patay, at Valhalla, kung saan maaring maging Transcendent Classes ang mga manlalaro. Sa pagbabago ng mga Kabanata, nadaragdagan ang nilalaman ng mga mapa.
Sa kasalukuyan, lahat ng opisyal na Ragnarok Online servers ay sumasailalim sa malawakang pagbabago ng sistema at tinawag itong "Renewal". Naghatid ng maraming pagbabago sa mekanika ng laro ang "Renewal", marahil ang pinakamalaki ay ang pagbabago sa "stat system", na kung saan nabago ang ginagawa ng bawat "stat", at ang pagpapakilala sa ikatlong uri ng hanapbuhay. Kasama sa pagbabagong dala ng "Renewal" ang pag-iiba ng interface at hotkey, pati na rin ang ilan sa mga kakayahan ng bawat manlalaro.
May iba't ibang bersyon ang "Renewal" batay sa kung saan ito ipinatupad. Ang dalawang pangunahing bersyon ay ang kRO (Korean Ragnarok Online) at ang jRO (Japanese Ragnarok Online). Ang pagkakaiba sa pagitan ng mga bersyon ay gawa ng iba't ibang sangay ng Gravity upang magustuhan ng mga manlalaro at upang hindi lang ang menorya ang magpahalaga rito.
Sistemang Panghanapbuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]This article may contain an excessive amount of intricate detail that may only interest a specific audience. (Hunyo 2010) |
"Jobs" ay isa sa pinakamahalagang aspeto ng Ragnarok Online. Ang hanapbuhay na pipiliin ng manlalaro ang magdidikta ng kaniyang mga kalakasan at mga kahinaan. Ang sinaunang sistemang panghanapbuhay ay binubuo ng 13 uri na nadagdagan at naging higit sa 50 buhat ng mga pagbabago. Ang bawat klase ay dalubhasa sa isang kasanayan batay sa mga arketipo ng role-playing game. Bukod pa rito, may mga kagamitan na para lamang sa isang partikular na klase.
Lahat ng manlalaro ay nagsisimula bilang isang "novice". Ang "novice" ay isang sangguniang trabaho na nagbibigay daan sa mga baguhang manlalaro upang magkaroon ng ideya sa pagtakbo ng laro. Kung makamit ng manlalaro ang isang partikular na antas o baitang (depende sa piniling hanapbuhay), may tatlo siyang pagpipilian:
- maaari siyang magpalit at maging isa sa anim na pangunahing hanapbuhay
- piliing maging isa sa mga "expanded
classes", o
- maging isang "Super Novice".
Kapag nakamit muli ang isang partikular na lebel o antas, ang mga may pangunahing hanapbuhay ay maaring magpalit ng trabaho at maging isa sa mga "second class". Ang mga pangunahing trabaho ay mayroong dalawang pagpipiliang pangalawang hanapbuhay. Halimbawa, ang mga "Swordsman" (pangunahing klase) ay maaaring maging isang "Knight" o "Crusader". Sa panahong ang batayang antas ng manlalaro ay 99 at ang kaniyang antas panghanapbuhay ay 70, maaari siyang magpa-"rebirth" (hindi maaari sa mga "expanded classes" at sa "Super Novice"). Kapag ika'y nagpa-"rebirth", babalik sa 1 ang iyong batayang antas at ang iyong antas panghanapbuhay. Ang mga "reborn" na manlalaro'y tulad lamang sa mga regular na hanapbuhay hanggang ikalawang uri. Sa halip na "second class", sila'y tatawaging "transcendent second class", isang hanapbuhay na mas maraming kasanayan at "status points". Ang kurba ng karanasan ng mga "transcendent class" ay mas mataas.
Ang kRO ay nagdagdag ng ikatlong uri ng hanapbuhay na maaaring makamit mula sa pangalawang hanapbuhay o sa pangalawang "transcendent job". Kung lalaktawan ng mga manlalaro ang pagpapa-"rebirth" sa pagiging isa sa ikatlong uri ng hanapbuhay, hindi siya magkakaroon ng dagdag na mga kasanayan at "stat bonuses".
Ilang ulit magpapalit ang mga manlalaro ng hanapbuhay sa kabuuan ng laro ngunit batay pa rin ito sa desisyon ng manlalaro.[8]
Tugtugin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lagpas 100 ang himig na nakalapat sa laro at lahat ng ito'y sulat at gawa ng SoundTeMP at Hankook Recording Studio, ang iba'y gawa ng NEOCYON at iba pa. Ang tugtugin ng laro'y sumasaklaw sa iba't ibang genres at istilo. Kasama rito ang trance, techno, jazz, rock, at orchestral. Nadaragdagan ang mga awit dahil sa pagdaragdag ng bagong mapa at pook sa laro.
"The memory of RAGNAROK" Ragnarok Online Original Sound Track ay isang best-of soundtrack album na nagtatampok sa mga sikat na awit at himig na nilapatan ng mga salita. Ang opisyal na temang awiting "You & I," ay kasama rito. Ito'y nilinang ng SoundTeMP at nilabas ng Gravity noong 2006. Ang ilan sa mga himig na nilapatan ng salita'y gawa nina Lee Seung-Yeon, Lee Jeong-Hee at Seo Ji-Hae. Nagtatampok din ang album ng mga teksto sa Korean, Chinese, English, at Japanese.[9]
Blg. | Pamagat | Haba |
---|---|---|
1. | "Title" (composed by Kwon Goo-Hee and sung by Seo Ji-Hae) | |
2. | "Theme of Prontera" (composed and lyrics by Lee Seock-Jin and sung by Lee Seung-Yeon) | |
3. | "Steel Me" (composed by Lee Seock-Jin) | |
4. | "Ancient Groover" (composed by Lee Seock-Jin) | |
5. | "Theme of Morroc" (composed by Kwak Dong-Il) | |
6. | "Wanna Be Free!!" (composed by Lee Seock-Jin, lyrics by Lee Seung-Yeon, and Lee Seock Jin, and sung by Lee Seung Yeon) | |
7. | "Desert" (composed by Lee Seock-Jin) | |
8. | "Christmas in the 13th Month" (composed by Lee Seock-Jin) | |
9. | "Through The Tower" (composed by Lee Seock-Jin) | |
10. | "Noblesse Oblige" (composed by Lee Seock-Jin) | |
11. | "Theme of Payon" (composed by Lee Seock-Jin and lyrics by Kwon You-Jeong) |
Blg. | Pamagat | Haba |
---|---|---|
1. | "Theme of Al de Baran" (composed by Lee Seock-Jin) | |
2. | "Everlasting Wanderers" (composed by Lee Seock-Jin) | |
3. | "Nano East" (composed by Lee Seock-Jin) | |
4. | "Theme of Juno" (composed by Jang Seong-Woon) | |
5. | "I Miss You" (composed by Kwak Dong-Il) | |
6. | "One Fine Day" (composed by Park Soo-Il) | |
7. | "Lastman Dancing" (composed by Lee Seock-Jin) | |
8. | "Peaceful Forest" (composed by Lee Seock-Jin) | |
9. | "Streamside" (composed by Kwon Goo-Hee) | |
10. | "One Step Closer" (composed by Kwak Dong-Il) | |
11. | "Divine Grace" (composed by Lee Seock-Jin) | |
12. | "Plateau" (composed by Lee Seock-Jin) | |
13. | "TeMPorsche" (composed by Lee Seock-Jin) | |
14. | "Hamatan" (composed by Kwak Dong-Il) | |
15. | "Purity of your smile" (composed by Park Jin-Bae) | |
16. | "You & I" (composed by Kwak Dong-Il and sung by Lee Seong-Yeon) |
Paglilisensiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman ang Ragnarok Online ay binuo at pinatatakbo ng Gravity sa South Korea, ang mga opisyal na bersion sa ibang bansa'y lisensiyado at pinatatakbo ng rehiyunal na pagbabakasakali. Nagbunga ito ng malawakang pagkakaiba tulad ng pagkakasalin ng wika, mga natatanging kaganapan sa loob at labas ng laro, at ang "payment model".
P2P servers
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang orihinal na "payment model" ay pay to play. Depende sa bersyon, maari ang buwanang pagbayad ng mga manlalaro para makalaro o sa pamamagitan ng pagbili ng mga pre-paid cards.
Kafra Shop
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga Microtransactions at virtual freemium na pamilihan ay patuloy na napaburan ng mga "online multiplayer games", lalo na ng merkado ng Asian MMO. Dahil dito, ang Kafra Shop (isang pamilihan ng mga kagamitan) ay idinagdag sa iRO (International Ragnarok Online) noong 19 Hunyo 2007. Maaring bumili ang mga manlalaro ng Kafra Credit Points na kung saan U.S. dollars ang sistema ng pananalapi para sa mga natatanging kagamitang matatagpuan lamang sa Kafra Shop.
Ang serbisyong ito'y matatagpuan din sa iba't ibang bersyon ng Ragnarok Online tulad ng jRO (Japanese Ragnarok Online), mRO (Malaysian Ragnarok Online), pRO (Philippine Ragnarok Online), rRO (Russian Ragnarok Online) at kRO (Korean Ragnarok Online), gamit ang sistema ng pananalapi ng mga nasabing bansa bilang "points". Bukod pa rito, ang mga pinabuting kagamitan ay maaari namang rentahan gamit din ang Kafra Points.[10]
F2P servers
[baguhin | baguhin ang wikitext]May mga opisyal na "Free To Play" servers na kung saan maari itong laruin nang hindi nagbabayad, na may kalakip na mga pagbabago. Kasama sa mga pagbabago ay ang limitadong paggamit ng Kafra Teleport service, ang pagpapabuti ng mga sandata at kasuotan ay walang ligtas na antas, ang pagbabago sa halaga ng mga kagamitan o di kaya'y pagtanggal nito mula sa laro, ang kasanayan ng "Acolyte" na Teleport ay binago at pagtaas sa presyo ng mga kagamitan sa NPC. Ang pagbabago ay nag-iiba depende sa mga server. Ang ibang F2P na server ay naglalaan ng mga "premium account plans" na may kalakip na iba't ibang benepisyo.
Ang paggamit ng F2P servers ay nagbunga ng mas mataas na pagdepende sa Kafra Shop bilang mapagkukunan ng kita. Ang mga lokal na bersyon ng Ragnarok Online ay nagpatupad ng F2P servers sa pagitan ng 2007-2008.[11]
Ragnarok Mobile
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Gravity Co. Ltd. ay naglabas ng 8 hiwalay na laro para sa mobile phone na pinahintulutan ang mga manlalarong maranasan ito sa kanilang mga mobile phones.[12] Ang bawat bersyon ay nakapokus sa pangunahing aspeto ng acolyte, thief, merchant, mage, archer, at swordsmen class. Maaring pagbutihin ng mga manlalaro ang kanilang katauhan sa pamamagitan ng mga katangiang STR, AGI, VIT, LUK, INT, and DEX. Pinapamahalaan ng mga manlalaro ang kanilang katauhan sa pamamagitan ng pagtatapos ng sunud-sunod na quests. Habang kumikita ng zeny, (ang sistema ng pananalapi sa laro), maaari nila itong ipadala sa kanilang totoong account. Bukod pa rito, nagkakaroon ng ranking batay sa dami ng zeny na mayroon sila.[13]
Tignan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gravity Corp., ang tagapag-unlad ng laro
- Ragnarok, isang manhwa na naging batayan ng laro
- Ragnarok The Animation, isang anime batay sa laro
- Ragnarok Online 2, ang kasunod ng laro
- Ragnarok Battle Offline, isang doujin
- Ragnarok Online DS, isang laro ng Nintendo DS batay sa MMORPG
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gamespot. "Technical Info".
- ↑ Shanda Entertainment. "Service & Product". Shanda Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-04. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ iRO staff. "Ragnarok Online client download page". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-27. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ iRO staff. "Schwaltzvalt Republic - Part 2. Einbroch, the City of Steel". Gravity Interactive LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-03. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: line feed character in|title=
at position 54 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Episode 11.1 Rachel". RO Future Wiki. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-04. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ iRO staff. "Global Project vol. 1 - Amatsu". Gravity Interactive LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-17. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ iRO staff. "Global Project vol. 4 - Louyang". Gravity Interactive LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-10-15. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ iRO staff. "Ragnarok Online Characters". Gravity Interactive LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-20. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ iRO staff. "Ragnarok Online Original Sound Track". Gravity Interactive LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-17. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ iRO staff. "Kafra Shop". Gravity
Interactive LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-09-24. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: line feed character in|publisher=
at position 8 (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gravity Corporation press release. "GRAVITY Reports Fiscal Year 2008 Results". PRN Wire.
- ↑ iRO staff. "Ragnarok Mobile Mage". Gravity Interactive LLC. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-08-12. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gravity Co., Ltd. "Mobile games development business". Gravity Co., Ltd. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-05. Nakuha noong 2011-06-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Pagsusuri
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Padron:GameFAQs
- Ragnarok Online Naka-arkibo 2010-03-04 sa Wayback Machine. sa Metacritic
- Ragnarok Online mula sa MobyGames
- Ragnarok Online sa Arabmmo