Pumunta sa nilalaman

Tesis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang artikulong ito ay tumutukoy sa tesis bilang isang terminong pang-akademiko. Para sa tesis bilang isang maikling komposisyon, tingnan ang sanaysay.

Ang tesis o disertasyon ay isang dokumentong ipinasa bilang suporta sa kandidatura para sa isang akademikong antas o propesiyonal na kwalipikasyon na nagpapakita ng nasaliksik at natuklasan ng manunulat. Sa ibang mga konteksto, ang salitang “tesis” ay ginagamit na parte ng kursong Batsilyer at Masterado, habang ang “disertasyon” ay karaniwang ginagamit sa titulong doktor, habang sa ibang mga konteksto ang kabaligtaran ay totoo. Ang salitang graduate thesis (o tesis ng nagtapos) ay minsang ginagamit na pantukoy sa parehong tesis na Masterado at Pang-doktor na mga disertasyon. Ang mga disertasyon at mga tesis ay maaring maituring na akademikong literatura na hindi pormal na nailimbag.

Ang kinakailangan na pagkakumplikado at/o kalidad ng isang pananaliksik ng isang tesis o disertasiyon ay maaaring magkaiba depende sa bansa, unibersidad at/o programa, kung kaya ang kinakailangan pinakmaikli na oras ng pag-aaral ay maari ding magbago ng malaki sa katagalan.

Ang salitang disertasyon ay maaaring paminsan-minsang magamit para ilarawan ang isang detalyadong pormal na sanaysay tungkol sa isang paksa nang walang reslasyon sa pagkuha ng akademikong digri. Ang salitang tesis ay ginagamit rin sa pagtukoy sa pangakaraniwang pag-angkin ng isang sanaysay o katulad na gawa.