Pumunta sa nilalaman

Vicente Lim

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Vicente Lim
Larawan ni Brig. Gen. Lim gawa ni Vicente Manansala
Kapanganakan24 Pebrero 1888(1888-02-24)
Calamba, Laguna, Captaincy General of the Philippines
Kamatayan31 Disyembre 1944(1944-12-31) (edad 56)
Manila Chinese Cemetery
City of Greater Manila, Philippines
Pinaglibingan
Manila Chinese Cemetery, Manila, Philippines
Katapatan
  • Philippines
  • United States
Branch of ServiceUnited States Army
Philippine Army
Taon ng paglilingkod1910 – 1944
RanggoLieutenant Colonel, US Army
(retired in 1936)

Brigadier General, Philippine Army
(1936–1944)
Yunit45th Infantry Regiment Philippine Scouts
41st Division, PA (USAFFE)
Hinawakang hanay
Battles/WarsWorld War I
World War II
* Battle of Bataan
Parangal Legion of Merit
Purple Heart
Distinguished Conduct Star
Distinguished Service Star
Distinguished Long Service Star
Posthumous honorary rank of Lieutenant General
Alma materPhilippine Normal School
United States Military Academy (Class of 1914)
AsawaPilar Hidalgo-Lim
AnakLuis (son)
Roberto (son)
Vicente Jr. (son)
Patricio (son)
Eulalia (daughter)
Maria (daughter)
Lagda

Si Vicente Lim ay ang unang Pilipinong nagtapos sa Akademyang West Point sa Estados Unidos. Isinilang siya noong Pebrero 24, 1888 sa Calamba, Laguna. Nagtapos siya sa Pamantasang Normal ng Pilipinas noong 1908. Pagkaraan ng dalawang taon, nanguna siya sa pagsusulit para sa Akademyang Militar ng Estados Unidos sa West Point. Nagtapos siya rito noong 1914. Pagbalik sa bansang Pilipinas, naging pangalawang tenyente siya ng Philippine Scouts sa Kuta ng San Pedro (Fort San Pedro) sa Iloilo. Naging guro rin siya sa Akademyang Militar ng Pilipinas sa Lungsod ng Baguio. Nagtungo siya sa Estados Unidos para muling mag-aral at naging unang Pilipinong nagtapos sa Kolehiyo ng Hukbong Katihan (Army College) sa Washington noong 1929. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, siya ay naging brigadyer heneral ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Nang bumagsak ang Bataan noong 1942, napiit siya sa Capas, Tarlac. Nang makalaya, sumapi siya sa kilusang gerilya. Noong Hunyo 1944, dinakip siya ng mga Hapones dahil sa kanyang pagkilos laban sa pamahalaang kolonyal. Ikinulong siya sa Kuta ng Santiago at saka inilipat sa Bilibid Compound sa Maynila. Binitay siya sa Libingang Intsik nang taong ding iyon.

TaoMilitarPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Militar at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.