Pumunta sa nilalaman

Okonomiyaki

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Okonomiyaki
Okonomiyaki
KursoUlam
LugarHapon
Rehiyon o bansaHiroshima, Osaka
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapBinatidong harina, repolyo

Ang okonomiyaki (Hapones: お好み焼き) ay isang malinamnam na pankeyk mula sa Hapon sa istilong teppanyaki na binubuo ng binatidong harina at iba pang mga sangkap (hinahalo, o nilalahukan) na niluluto sa teppan (paladpad na kawali). Kabilang sa mga karaniwang sangkap ang repolyo, karne, at pagkaing-dagat, at kabilang sa mga nilalahok ang sarsang okonomiyaki (gawa sa sarsang Worcestershire), aonori (pinatuyong piraso ng damong-dagat), katsuobushi (pinatuyong piraso ng katsot), mayonesang Hapones, at inatsarang luya.

Pangunahing nauugnay ang okonomiyaki sa dalawang baryante mula sa Hiroshima o sa rehiyong Kansai ng Hapon, ngunit laganap ito sa buong bansa, at nag-iiba ang mga lahok at batido ayon sa lugar. Hinango ang pangalan mula sa salitang okonomi, na may kahulugang "kung paano mo gusto" o "kung ano ang gusto mo", at yaki, na may kahulugang "inihaw". Isa itong halimbawa ng konamono (konamon sa diyalektong Kansai), o de-harinang lutuing Hapones.

Ang funoyaki, isang manipis at malakrep na kumpites, ay maituturing na hinalinhan ng okonomiyaki.[1][2] Noon pa mang ika-16 na siglo, nagsimula nang lumitaw ang mga rekord ng salitang funoyaki, kagaya ng isinulat ni Sen no Rikyū, isang maestro ng tsaa,[3] at kahit hindi malinaw kung ano ang mga sangkap nito, posible na may fu (gluten ng trigo) ito.[1] Sa huling yugto ng Edo (1603–1867),[4] tumukoy ang funoyaki sa mainipis na krep na niluto sa kaldero, kung saan binubuhusan ng miso ang isang panig.[1][3] Itong kumpites ang ninuno ng mga modernong kumpites na kintsuba (金つば), na tinatawag ding gintsuba (銀つば) sa Kyoto at Osaka,[1] at taiko-yaki (kilala rin bilang imagawayaki), na kapwang gumagamit ng nerian (練り餡), isang matamis na palaman na gawa sa bins.[5]

Noong panahong Meiji (1868–1912), sikat sa mga bata ang monjiyaki (文字焼き), isang kaugnay na kumpites, sa mga dagashiya (駄菓子屋) o murang dulseriya.[6] Nagawa ito sa pagguguhit ng mga titik (monji) o mga larawan gamit ang binatidong harina sa isang teppan (ihawang bakal) at pagdaragdag ng mga ninanais na sahog. Tinawag ding dondonyaki (どんどん焼き) ang kumpites na ito, mula sa sintunog ng mga nagtitinda na nagtatambol para makaakit ng mga kostumer.[5]

Ang unang paglitaw ng salitang "okonomiyaki" ay nasa isang tindahan sa Osaka noong d. 1930.[2][7][8] Pagkatapos ng dakilang lindol ng 1923 sa Kantō kung kailan kulang ang amenidad ng mga tao, naging libangan ang pagluluto ng mga ganitong krep,[1] at pagkatapos ng ika-2 Digmaang Pandaigdig (kung kailan kulang ang suplay ng bigas)[6] lumitaw ang okonomiyaki bilang mura at nakakabusog na ulam para sa lahat ng edad, kadalasang may malinamnam na sahog, tulad ng karne, pagkaing-dagat, at gulay.[1][5][9] Humantong ang pagkapatok ng okonomiyaki sa pagkakaroon ng mga komersiyal na bersiyon ng mga kagamitan sa bahay at mga sangkap para sa ulam na ito.[5] Nag-iba rin ang monjiyaki patungo sa kaugnay na modernong putahe, monjayaki (モンジャ焼き), na may mas malapot na batido dahil sa pagdagdag ng tubig, kaya iba ang tekstura nito kapag niluto.[5]

Mga baryasyon ayon sa rehiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Dalawang de-Kansai na okonomiyaki

May dalawang pangunahing baryante ng putahe, isa sa Kansai at Osaka at isa pa sa Hiroshima.[10] Isa pang baryante ang hirayachi, isang manipis at payak na uri na mula sa Okinawa.[11][12]

Pook ng Kansai

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Okonomiyaki sa istilong Kansai o Osaka ang nangingibabaw na bersiyon ng putahe na matatagpuan sa halos buong Hapon. Gawa ang batido sa harina, kinayod na nagaimo (tugi), dashi o tubig, ginayat na repolyo, at karaniwang naglalaman ng mga ibang sangkap, tulad ng tanduyong, karne (kadalasan liyempong hiniwa nang manipis o Amerikanong bacon), pugita, pusit, hipon, gulay, konyak, mochi, o keso.[1][8][13]

Ikinakumpara ito minsan sa torta o pankeyk at minsan tinutukoy ito bilang "Hapones na pizza" o "soul food ng Osaka ".[13][9][14][15] Maihahanda ito nang patiuna para makagamit ang mga kostumer ng teppan o espesyal na lutuan para magprito pagkatapos haluin ang mga sahog. Maaaring mayroon din silang pasamanong mala-diner kung saan inihahanda ng kusinero ang ulam sa harap ng mga kostumer.[16]

Inihahanda ito na parang pankeyk. Ipiniprito ang batido at iba pang sangkap sa magkabila sa isang teppan gamit ang mga espatulang metal na ginagamit sa paghiwa ng putahe kapag luto na ito. Nilalagyan ang lutong okonomiyaki ng mga iba't ibang sahog, kabilang dito ang sarsang okonomiyaki (gawa sa sarsang Worcestershire), aonori, katsuobushi, mayonesang Hapones, at inatsarang luya (beni shōga).[8]

Kapag naihain kasama ng pritong pansit sa loob o sa ibabaw (yakisoba man o udon), tinatawag itong modan-yaki (モダン焼き), na ang pangalan ay maaaring hinango mula sa salitang Ingles na "modern" o bilang kontraksiyon ng mori dakusan (盛りだくさん), na may kahulugang "marami" o "nakatambak nang mataas" na nagpapahiwatig ng dami ng pagkain, kapwa pansit at okonomiyaki. Ang negiyaki (ねぎ焼き) ay mas manipis na baryasyon ng okonomiyakina gawa sa napakaraming lasuna na maikukumpara sa Koreanong pajeon at Tsinong cong you bing.[17]

Gawa ang isang baryasyon na tinatawag na kashimin-yaki sa manok at taba ng hayop sa halip ng baboy sa Kishiwada, Osaka.[18] Sa Hamamatsu, inihahalo ang takuan (inatsarang labanos) sa okonomiyaki.[19] Inihahalo sa okonomiyaki ang nilagang matamis na kintoki-mame sa Prepektura ng Tokushima.[20]

Pook ng Hiroshima

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Okonomiyaki ng Hiroshima
Kusinero na naghahanda ng okonomiyaki sa isang restoran sa Hiroshima

Sa lungsod ng Hiroshima, mayroong higit sa 2,000 okonomiyakihan, at ang prepektura ay may pinakamaraming ganoong restoran kada tao kaysa sa saanmang lugar sa Hapon.[9] Sumikat sa Hiroshima ang issen yōshoku (一銭洋食, lit. "isang-barya na Kanluraning pagkain"), isang manipis na pankeyk na binudburan ng berdeng sibuyas at bonito flakes o hipon, bago ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig. Matapos bumagsak ang bombang atomika sa lungsod noong Agosto 1945, naging murang paraan ang issen yōshokup para makakain ang mga nakaligtas na residente.[9] Dahil hindi laging madaling makuha ang mga orihinal na sangkap noon, nagsimulang "magluto kung paano mo gusto" (お好み焼き, okonomiyaki) ang karamihan ng mga nagtinda sa lansangan, gamit ang anumang maisasahog.[9]

Nakapatong-patong ang mga sahog sa halip na nakahalo.[8][9] Kabilang sa mga tipikal na sahog ang batido, repolyo, baboy, at yakisoba. Maaari ring magdagdag ng pusit, pugita, katsuobushi, at iba pang pagkaing-dagat, pati mga pira-piraso ng o pinulbos na nori, toge, itlog, manok, keso, at iba pang sahog, depende sa mga kagustuhan ng kusinero at ng kostumer.[9] Sinasahog din ang mga pansit (yakisoba o udon), itlog, at maraming sarsang okonomiyaki.[21]

Karaniwang tatlo hanggang apat na beses ang dami ng repolyo na ginamit sa istilong Osaka.[2][17][8] Mataas ang bunton sa umpisa at dinidiin pababa habang naluluto ang repolyo.[8] Nag-iiba ang pagkakaayos ng mga patong ayon sa istilo at kagustuhan ng kusinero, at nag-iiba ang mga sahog ayon sa kagustuhan ng kostumer. Tinatawag ding hiroshima-yaki o hiroshima-okonomi ang istilong ito.[16]

Sa loob at paligid ng Hiroshima, may iilang baryasyon ang istilo. Gawa ang fuchuyaki (府中焼き, fuchūyaki) sa giniling sa halip na liyempo sa Fuchū, Hiroshima.[22] Hinahalo ang mga talaba (kaki) sa okonomiyaki para makabuo ng kaki-oko sa Hinase, Okayama.[23] Sa pulo ng Innoshima, sinasahugan ang baryante na tinatawag na Innoshima okonomiyaki (因島お好み焼き) (o in'oko (いんおこ) lamang) ng udon, kinayod na katsot, sarsang Worcestershire, at gulay na ipinrito kasama ng batido.[24] Kasabay ng "Onomichiyaki", itinuturing ang in'oko na klaseng B na pagkaing gormey sa may Shimanami Kaidō.[25] May restoran sa Hiroshima kung saan makakaorder ang mga kostumer ng mga halapenyo, tortilla chips, tsoriso, at iba pang pagkaing Amerikanong Latino sa loob ng—o bilang pamutat sa—okonomiyaki.[8]

  • Takoyaki – pampagana sa lutuing Hapones

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Heibonsha 1964 ensiklopedya bol. 3, pa. 445, artikulo tungkol sa okonomiyaki ni Tekishū Motoyama 本山荻舟 (1881–1958)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Okonomiyaki History" [Kasaysayan ng Okonomiyaki] (sa wikang Ingles). Okonomiyaki World. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Hulyo 2021. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Kumakura 2007, pa.168
  4. Sa Heibonsha 1964, sinasabi (sa maling palagay) na isang kumpites mula sa huling yugto ng Edo ang funoyaki
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 沢, 史生 (1985). "お好み焼き". Encyclopedia Nipponica, Volume 4 (sa wikang Hapones). Shogakukan. p. 155. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Agosto 2021. Nakuha noong 28 Agosto 2021.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "「関西風」のルーツは東京だった!花柳界と切り離せないお好み焼きの黎明期" [Ang ugat ng "istilong Kansai" ay Tokyo! Ang pasimula ng okonomiyaki, na hindi mapaghihiwalay sa mundo ng Hanayanagi]. JBpress(日本ビジネスプレス). 16 Agosto 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2021. Nakuha noong 6 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Sibal, Angela (26 Mayo 2021). "All About the Famous Japanese Pancake" [Lahat Tungkol sa Sikat na Hapones na Pankeyk.] (sa wikang Ingles). Foodicles. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hunyo 2021. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 8.4 8.5 8.6 Beser, Ari (4 Agosto 2015). "Beyond the Bomb: Hiroshima's Beloved Okonomiyaki Pancake" [Maliban sa Bomba: Ang Minamahal na Okonomiyaking Pankeyk ng Hiroshima]. National Geographic. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Agosto 2021. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 9.4 9.5 9.6 Powell, Steve John; Cabello, Angeles Marin (13 Abril 2020). "Is Hiroshima the true home of okonomiyaki?" [Hiroshima ba ang tunay na tahanan ng okonomiyaki?] (sa wikang Ingles). BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Agosto 2021. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Okonomiyaki, an Overview" [Okonomiyaki, isang Sumaryo]. Otajoy.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Marso 2017. Nakuha noong 2 Marso 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Hirayachi". Story of Japanese Local Cuisine. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Enero 2021. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Ivan Orkin's Savory Pancakes (Okonomiyaki) Recipe on Food52" [Resipi ng Mga Malinamnam na Pankeyk ni Ivan Orkin (Okonomiyaki) sa Food52]. Food52 (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-31. Nakuha noong 2021-08-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 "How to make the perfect okonomiyaki – recipe | Felicity Cloake's The perfect …" [Paano gumawa ng perpektong okonomiyaki – resipi | Ang perpekto ... ni Felicity Cloake]. The Guardian (sa wikang Ingles). 12 Mayo 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Agosto 2021. Nakuha noong 28 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 「広島焼き」なんてものはない!と抗議 県民の「お好み焼き愛」でNHK『サラメシ』がテロップ修正 [Wala talagang "Hiroshima-yaki"! Itinama ng "Lunch" ng NHK ang telop sa "Okonomiyaki love" ng mga mamamayan ng prepektura]. Sankei.com. 8 Nobyembre 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Abril 2021. Nakuha noong 6 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "99japan" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Setyembre 2020. Nakuha noong 13 Marso 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 "How to eat Okonimiyaki in Japan" [Paano kumain ng Okonomiyaki sa Hapon]. Savor Japan (sa wikang Ingles). 5 Hunyo 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2021. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 Okonomiyaki. Trafford. Agosto 2012. ISBN 9781466908147. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2021. Nakuha noong 6 Agosto 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 中将タカノリ (14 Setyembre 2020). 絶品ローカルお好み焼き!岸和田の「かしみん焼き」ご存知ですか…大阪風「まぜ焼き」とは異なる「のせ焼き」 [Napakagandang lokal na okonomiyaki! Alam mo ba ang tungkol sa "kashiminyaki" ng Kashiwada? Mga pagkakaiba sa "mazeyaki" at "noseyaki" ng Osaka] (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Setyembre 2020. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 新沼大 (2 Hulyo 2020). たくあん入れて薄く焼き上げる 浜松の遠州焼き [Binudburan at inihaw na takuan: Enshūyaki ng Hamamatsu] (sa wikang Hapones). Nikkei Style. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Enero 2021. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 上原吉博 (10 Disyembre 2014). お好み焼きに金時豆 徳島の「豆天玉」 [Pulang patani sa Okonomiyaki: Mameamadama ng Tokushima] (sa wikang Hapones). Nikkei Style. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Agosto 2021. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Hiroshima Okonomiyaki Recipe" [Resipi ng Okonomiyaki ng Hiroshima]. Japan Centre (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Abril 2021. Nakuha noong 6 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 広島県・府中市 府中焼き 店長は元力士 [Prepektura ng Hiroshima - Lungsod ng Fuchū, Mga manedyer ng Fuchūyakihan ang pundasyon ng mga mambubuno sa sumo] (sa wikang Hapones). Asahi Shimbun Digital. 10 Disyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Agosto 2021. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Kanno, Miyuki (14 Pebrero 2019). 谷口茉妃菜さん「決定的瞬間撮る!」 その時カキオコは [Bb. Mahina Taniguchi, "Nagtala ng mahalagang sandali!" ng iyong oras ng kakioko] (sa wikang Hapones). Asahi Shimbun Digital. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Agosto 2021. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. いんおこ巡礼 [Peregrinasyon sa In'oko]. IJ (Inoshima Japan) (sa wikang Hapones). Sanwadock. 29 Agosto 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Hunyo 2013. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 寺門充; 広津興一 (21 Oktubre 2010). 焼豚玉子飯、いんおこ…しまなみ海道、B級グルメで活気 (sa wikang Hapones). Asahi Shimbun Digital. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Nobyembre 2016. Nakuha noong 23 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)