Pumunta sa nilalaman

Pomeron

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa pisika, ang pomeron ay isang trahektoryang Regge na isang pamilya ng mga partikulo na may tumataas na ikot at pinostula noong 1961 upang ipaliwanag ang mabagal na tumataas na seksiyong krus(cross section) ng mga banggaang hadroniko sa mga mataas na enerhiya.

Mga hindi pa nalulutas na problema sa pisika
Aling mga napagmasdang partikulo, kung meron man ang nasa trahektoryang pomeron? Ang tanong bang ito ay mayroong hindi malabong sagot?

Bagaman ang ibang mga trahektorya ay tumutungo sa bumababang mga seksiyong krus, ang pomeron ay maaaring tumungo sa logaritmikong tumataas na mga seksiyong krus na eksperimental na matatantiyang konstante. Ang pagtukoy ng pomeron at ang paghula ng mga katangian nito ay isang malaking tagumpay ng teoriyang Regge ng phenomenolohiyang interaksiyong malakas. Sa mga kalaunang taon, ang isang BFKL pomeron ay hinango sa ibang mga rehimeng kinematiko mula sa perturbatibong mga kalkulasyon sa kromodinamikang quantum(QCD) ngunit ang relasyon nito sa pomeron na nakita sa malambot na mataas na enerhiyang pagkakalat ay hindi pa rin kumpletong nauunawaan.

Ang isa sa konsekwensiya ng hipotesis na pomeron ay ang mga seksiyong krus ng proton-proton at proton-antiproton na pagkakalat ay dapat magkatumbas sa mga sapat na mataas na enerhiya. Ito ay ipinakita ng Ukrainian na Soviet na pisikong si Isaak Pomeranchuk sa pamamagitan ng analitikong pagpapatuloy na nagpapalagay lamang na ang mga seksiyong krus ay hindi bumababa. Ang mismong pomeron ay ipinakilala ni Vladimir Gribov, at isinama ito sa teoriyang Regge. Ipinakilala nina Geoffrey Chew at Steven Frautschi ang pomeron sa kanluran. Ang modernong interpretasyon ng teorema ni Pomeranchuk ay ang pormeron ay walang naiingatang mga karga na ang mga partikulo sa trahektoryang ito ay may mga bilang quantum ng vacuum.

Ang pomeron ay maiging natanggap noong mga 1960 sa kabila ng katotohanang ang mga nasukat na seksiyong krus ng proton-proton at proton-antiproton na pagkakalat sa mga enerhiyang makukuha nang mga panahong ito ay hindi magkatumbas. Noong mga 1990, ang eksistensiya ng pomeron gayundin ng ilang mga katangian nito ay eksperimental na maiging napatunayan na ang pinakakilala ay sa Fermilab at DESY.

Ang pomeron ay hindi nagdadala ng mga karga. Ang kawalan ng elektrikong karga ay nagpapahiwatig na ang pagpapalitang pomeron ay hindi tumutungo sa karaniwang buhos ng radiasyong Cherenkov samantalang ang kawalan ng kargang kulay ay nagpapahiwatig na ang gayong mga pangyayari ay hindi nag-sisinag ng mga pion.

Ito ay umaayon sa obserbasyong eksperimental. Sa mataas na enerhiyang proton-antiprton na mga banggaan kung saan ay pinaniniwalaang ang mga pomeron ay naipalit(exchanged), ang isang pagitang rapiditad ay kalimitang napagmamasdan. Ito ay isang malaking rehiyon kung saan walang lumalabas na mga partikulo ang nadedetekta.

Ang odderon ang hipotetikal na kapilas(counterpart) ng pomeron na nagdadala ng odd na kargang paridad.

Teoriyang tali(String theory)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa simulang partikulong pisika, ang 'pomeron sektor ang tinatawag na ngayong 'saradong taling sektor' samantalang ang tinawag na 'reggeon sektor]] ay tinatawag na ngayong '[[bukas na tali]ng teoriya'.

Karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Otto Nachtmann (2003). "Pomeron Physics and QCD". arXiv:hep-ph/0312279.{{cite arXiv}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]