Silindro ni Ciro
Cyrus Cylinder | |
---|---|
Paglalarawan | |
Materyal | Hinurnong putik |
Laki | 22.5 centimetro (8.9 pul) x 10 centimetro (3.9 pul) (maximum) |
Pagsulat | Akkadianong skriptong kuneiporma |
Petsa | |
Ginawa | Mga 539–530 BCE |
Panahon/kultura | Imperyong Akemenida |
Pagkakatuklas | |
Natuklasan | Babylon, Mesopotamia ni Hormuzd Rassam noong Marso 1879 |
Kasalukuyan | |
Nasa | Silid 52[1] (nakaraang 55), British Museum, London |
Pagkakilanlan | BM 90920 |
Rehistro | 1880,0617.1941 ng Museong Britaniko |
Ang Silindro ni Ciro (Persa: منشور کوروش) ay isang sinaunang silindrong putik na nahati na ngayong sa ilang mga pragmento na sinulatan ng isang deklarasyon sa wikang Akkadianong iskriptong kuneiporma[2] sa ngalan ng haring Akemenida na si Dakilang Ciro.[3] Ito ay mula ika-6 siglo BCE at natuklasan sa mga guho ng Babilonya(modernong Iraq) noong 1879.[2] Ito ay kasalukayang pag-aangkin ng Museong Britaniko na nag-isponsor ng ekspedisyon na nakatuklas ng silindro. Ito ay nilikha at ginamit bilang isang depositong pundasyon kasundo ng pananakop ng Persia sa Babilonya noong 539 BCE nang ang Imperyong Neo-Babilonyano ay sinakop ni Ciro at isinama sa kanyang Imperyong Persa (Persian). Ang teksto sa silindro ay pumupuri kay Ciro at naglalarawan sa kanya bilang isang hari mula sa linya ng mga hari. Ang huling haring Babilonyanong si Nabonidus na pinatalsik ni Ciro ay kinondena bilang isang masamang mang-aapi ng mga tao ng Babilonya at ang kanyang mababang pinagmulan ay pahiwatig na sinalungat sa angkan na makahari ni Ciro. Ang nagwaging si Ciro ay inilalarawan dito bilang pinili ng pangunahing Diyos ng Babilonya na si Marduk upang ibalik ang kapayapaan at kaayusan sa mga Babilonyano. Ang teksto ay nagsasaad na si Ciro ay tinanggap ng mga tao ng Babilonya bilang kanilang bagong pinuno at pumasok sa siyudad ng mapayapa. Ito ay sumasamo kay Marduk upang ingatan at tulungan si Ciro at kanyang anak na si Cambyses. Niluluwalhati nito ang mga pagsisikap ni Ciro bilang benepaktor ng mga mamamayan ng Babilonya na nagpabuti ng kanilang mga buhay, nagpabalik ng mga ipinatapong mga tao at ibinalik ang kanilang mga templo at mga santuwaryo ng kanilang mga kulto sa buong Mesopotamia at saanman sa rehiyon. Ito ay nagtatapos sa isang paglalarawan kung paano kinumpuni ni Ciro ang pader ng siyudad ng Babilon at nakatuklas ng isang katulad ng inksripsiyon na inilagay doon ng mas maagang hari.[3] Ang teksto ng silindro ay tradisyonal na nakikita ng ilang mga relihiyosong skolar na ebidensiyang sumusuporta sa patakaran ni Ciro ng pagpapabalik ng mga Hudyo mula sa kanilang pagpapatapon sa Babilonya[4] (na isang aktong itinuro ng Aklat ni Ezra kay Ciro[5]) dahil ang teksto ay tumutukoy sa pagbabalik ng mga santuwaryo ng kulto at pagpapabalik ng mga ipinatapong tao.[6] Ang interpretasyong ito ay tinutulan dahil ang teksto ay tumutukoy lamang sa mga santuwaryong Mesopotamiano at walang binanggit dito na mga Hudyo, Herusalem, o Judea.[7] Ang silindro ay inaangkin ring ang maagang karta ng karapatang pantao bagaman ang British Museum at ilang mga skolar ng kasaysayan ng Sinaunang Malapit na Silangan ay tumatakwil sa pananaw na ito bilang anakronistiko[8] at isang maling pagkaunawa[9] ng henerikong kalikasan ng silindro ni Ciro.[10] Ito ay ginawang simbolo ng bago ang 1979 na pamahalaan ng Shah ng Iran na nagtanghal nito sa Tehran noong 1971 upang alalahanin ang 2,500 taon ng monarkiyang Iraniano.[11]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.britishmuseum.org/explore/highlights/highlight_objects/me/c/cyrus_cylinder.aspx
- ↑ 2.0 2.1 Dandamayev, (2010-01-26)
- ↑ 3.0 3.1 Kuhrt (2007), p. 70, 72
- ↑ British Museum: The Cyrus Cylinder
- ↑ Free & Vos (1992), p. 204
- ↑ Becking, p. 8
- ↑ Janzen, p. 157
- ↑ Daniel, p. 39
- ↑ Mitchell, p. 83
- ↑ Arnold, pp. 426–430
- ↑ Ansari, pp. 218–19.